Lady Blazers, unbeaten Cardinals, matibay pa
- BULGAR
- Mar 16, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 16, 2023

Mga laro sa Biyernes
(San Andres Sports Complex)
9:00 n.u. – LPU Pirates vs Perpetual Altas
12:00 n.t. – LPU Lady Pirates vs Perpetual Lady Altas
2:00 n.h. – JRU Lady Bombers vs EAC Lady Generals
4:30 n.h. – JRU Bombers vs EAC Generals
Nanatiling walang bahid ng pagkabigo ang defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers nang walisin ang Arellano University Lady Chiefs para sa rematch ng last season Finals na nagtapos sa 25-15, 25-21, 25-19, habang kumuha rin ng straight set panalo ang Mapua University Lady Cardinals mula sa 25-23, 25-19, 26-24 panalo kontra sa talsik ng San Beda University Lady Spikers kahapon sa 98th season ng NCAA women's volleyball tournament San Andres Sports Complex sa Malate Manila.
Nakasisiguro na ng twice-to-beat bentahe ang CSB Lady Blazers sa Final Four kasunod ng unbeaten na marka na nagnanais na maipagtanggol ang korona at umaasang mawawalis ang eliminasyon sa single-round eliminations kalaban ang kulelat at walang panalong Jose Rizal University sa susunod na laro upang makumpleto ang ikalawang sweep.
Muling nagpasikat para sa Taft-based lady volleybelles si ace playmaker Cloanne Mondonedo na nagpamahagi ng 17 excellent sets kasama ang limang puntos, habang nag-ambag sina power hitter Jade Gentapa ng 21 puntos at 97th season Finals MVP Gayle Pascual sa 17 puntos mula sa 15-of-29 spikes kasama ang 10 digs.
“Siguro yung kumpiyansa namin sa isa't isa. Yung tiwala sa isa't isa,” wika ni Mondoñedo, na patuloy na pinangunguhan ang set department sa liga.
Nanganganib namang mahulog sa Final Four ang Arellano na bumagsak sa 4-3 kartada sa ikalimang pwesto, na pinagbidahan ni Moming Padillon sa walong puntos at pitong digs. Naungusan na ang Lady Chiefs ng Lady Cardinals na nakuha ang kanilang ika-anim panalo para sumosyo sa third spot kasama ang Lyceum Lady Pirates.








Comments