top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Lady Blazers nakabawi, UST nagpatibay pa sa SSL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | July 22, 2026



Lady Blazers nakabawi, UST nagpatibay pa sa SSL

Photo: Sumiguro ng spike na hindi mahadlangan ng dalawang depensa nina #18 Michaella Ma at # 10 Jasmine Salvani ng Endurance College ang atake ni Fionna Inocentes ng College of Saint Benilde sa maaksiyong tagpo na ito sa Shakey's Super League National Invitationals Rising Stars, Elite Talent, Global Stage Collegiate division sa Ninoy Aquino Stadium kahapon. (Reymundo Nillama)



Mga laro ngayon 

(Ninoy Aquino Stadium)

1 p.m. - UST vs Southern Storm

3 p.m. - HCM vs Enderun

5 p.m. - CSB vs Letran 


Matagumpay na nakabalik sa panalo ang 5-time collegiate champion Saint Benilde Lady Blazers matapos pataubin ang Enderun Colleges sa 21-25, 27-25, 25-18, 25-22, habang humambalos ng ikatlong sunod na panalo ang UST Golden Tigresses sa 25-22, 25-17, 25-13 laban sa Letran kahapon sa 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.


Kasunod ng pagkabigo sa unang set, nakipagbiradahan sa pagtabla ang Lady Blazers  at ibigay sa Lady Titans ang  ikatlong sunod na pagkatalo.  Pakitang gilas para sa Benilde si rookie winger Mhonniecka Soliven sa 20 puntos  sa  kompetisyong sinuportahan ng Shakey’s Pizza Parlor, Potato Corner, at R and B Milk Tea, upang makabawi sa 4-set na pagkatalo laban sa UST. “Marami pa ring bagay na nagla-lack pero I think mas magi-improve pa kami sa mga next games namin,” wika ni Soliven, na sinegundahan  ni Camila Bartolome sa 19 marka.


Bumira ng 36 kills ang Golden Tigresses kasama ang 9 aces, subalit muling kinakitaan ng maraming errors sa 23, na puntiryang mapanatili ang unbeaten marka laban sa Australian guest team Southern Storm Melbourne.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page