top of page

Lady Blazers at UPHSD Altas, namumuro sa kampeonato

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | April 12, 2023



Namumurong makuha ng defending champions De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers na buong buhos na inihataw ni Jhasmin Gayle Pascual upang madaling tapusin ang first-time finalists na Lyceum Lady Pirates sa bisa ng straight set 25-17, 25-19, 25-19 sa Game 1 ng best-of-three championship round ng 98th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City.


Naging mainit ang mga atake at execution ng Lady Blazers sa tatlong sets habang napanatili nito ang composure sa second set, kung saan kinailangan nilang maghabol matapos makauna ng kalamangan ang Lady Pirates.


Humataw ng game-high 15 puntos mula sa 12 atake at 3 blocks ang last season Finals MVP na si Pascual, na tanging nagtapos sa doble pigura, upang makabuwenamano ng panalo sa serye at lumapit sa back-to-back title kahit na wala ang 97th season MVP na si Mycah Go na nagpapagaling sa knee injury.


Na-maintain lang namin yung aming composure sa laro and we remain calm and relax, basta sunod lang sa instructions at game plan ng coaches,” pahayag ni Pascual, kung saan nanatili ang buong koponan sa eskwelahan kahit na Holy Week break upang magsanay, habang sinabayan na rin ng kaunting pahinga. “Nakapagpahinga naman kami, pero trabaho na ulit, and we try to scout yung LPU kung ano yung weaknesses nila at saan sila papalo.”


Nag-execute naman sila at kung anong napag-usapan namin kagabi nagawa nila. Bumalik pa nga ako nu'ng gabi para sa extra reminders at corrections,” wika ni CSB head coach Jerry Yee.


Samantala, lumapit din sa three-peat ang Altas sa pangunguna ni Louie Ramirez para walisin sa straight set ang SBU Red Spikers sa 25-20, 25-16, 25-22 sa sariling Finals series.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page