top of page

Lady Archers, naka-3 na vs. Tams, NU Lady Bulldogs, angat sa 5-0

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2022
  • 1 min read

ni VA - @Sports | October 16, 2022



ree

Tuloy pa rin ang pamamayagpag ng 6-time defending women's champion National University matapos iposte ang kanilang ika-101 panalo kahapon sa pamamagitan ng paggapi sa Adamson University,100-66, kahapon sa UAAP Season 85 women’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Limang manlalaro ng Lady Bulldogs sa pangunguna ni Tin Cayabyab ang umiskor ng 19 puntos, 8 rebounds at 3 steals. “Tin Cayabyab, I’ve been missing her for four games already.


Good thing maganda ‘yung start niya and ‘yung teammates niya looking for her para mabuhay ‘yung kumpyansa niya,” wika ni Lady Bulldogs coach Aris Dimaunahan.

Ang iba pang kakampi ni Cayabyab na nagtala ng double digit ay sina Karl Ann Pingol na tumapos ding may 19 puntos, Angel Surada na may 12 puntos at 10 rebounds at sina Camille Clarin at Princess Fabruada na may tig-10 puntos.

Dahil sa panalo, umangat ang NU sa barahang 5-0 habang bumaba ang Lady Falcons sa rekord na 2-3.

Nauwi naman sa wala ang game high 28 puntos ni Lady Falcon Dindy Medina dahil bigo syang isalba ang kanilang koponan sa pagkatalo.


Sa unang laro, naitala ng De La Salle University ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang Far Eastern University, 65-58.

Dahil sa panalo, umangat ang Lady Archers sa kartadang 4-1, panalo-talo habang ibinaba nila ang Lady Tamaraws sa kabaligtarang 1-4 na marka.

Namuno sa panalo si Fina Niantcho na nagtala ng double-double 16 puntos, 19 rebounds, 2 steals at isang block kasunod si Charmine Torres na may 16 puntos at 8 rebounds.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page