Eala, bagsak kontra Andreeva sa Macau Tennis Masters
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Info @Sports News | December 28, 2025

Photo: Alex Eala sa Macau Tennis Masters - Premier Sports 2
Bigong manalo sa Macau Tennis Masters si Pinay Tennis Player Alex Eala matapos pataubin ni Mirra Andreeva sa dikitang laban ngayong Linggo, Disyembre 28.
Naging pukpukan ang labanan nina Eala at Andreeva sa unang set pa lamang ng laban na nagtapos sa score na 6-4 ngunit tuluyang nag-init si Andreeva sa ikalawang set ng laban.
Lumamang pa sa score na 2-1 si Eala bago ito mapako at tuluyang matalo sa naturang laro sa score na 6-2.
Inaasahan naman na sa Australian Open na muling makikitang lalaban si Eala.








Comments