top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lady Air Defenders, sokpa na sa best-of-3 WNBL Finals

BULGAR
Jun 7, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | June 7, 2022



Pasok na ang PSI Air Force Lady Air Defenders sa best-of-three 2022 Women’s National Basketball League (WNBL) Finals matapos palubugin ang Go For Gold Navy Lady Sailors, 80-75, sa Game 2 ng semifinals Linggo ng gabi sa Muntinlupa Sports Center. Sa kabilang semifinal, nanatiling buhay ang numero unong Taguig Lady Generals at itinabla ang serye kontra Army Lady Batallion, 63-51.

Hindi pina-shoot ng mahigpit na depensa ng Air Force ang Navy sa huling 3 minuto at bumuhos ng siyam na sunod-sunod na puntos upang maagaw ang lamang at lumayo, 77-70, at 42 segundo sa orasan. Lumipat ang labanan sa pagalingan ng free throw at binawasan ng Lady Sailors ang agwat, 75-78, subalit siniguro ni Cindy Resultay ang panalo sa huling dalawang free throw ng laro at 11 segundo ang nalalabi.

Napiling Surge Fitness Best Player si Karen Columna sa kanyang 11 puntos at anim na assist. Nanguna sa puntusan sina Resultay at Ambie Almazan na parehong may 14 puntos habang 11 puntos din si Fria Bernardo para sa kanilang ika-8 sunod na panalo buhat pa noong elimination round.

Kailangang maghintay ng makalalaro ang Lady Air Defenders at magkakaroon ng knockout game 3 sa pagitan ng Taguig at Army sa susunod na linggo. Determinado ang Air Force na mabalik sa kanila ang koronang pinagwagian sa unang torneo ng WNBL noong 2019.

Samantala, winakasan ng Taguig Generals ang quarterfinals ng 2022 National Basketball League (NBL) handog ng Converge sa 104-92 tagumpay sa Laguna Pistons. Dahil dito, naitakda na ang mga maghaharap sa hiwalay na best of three finals sa pagitan ng Taguig at DF Bulacan Republicans at defending champion Pampanga Delta laban sa Quezon Barons sa susunod na linggo.

Bumida sa Taguig si Krooberg Best Player Noel Santos na may 19 puntos at 12 rebound sabay naiwasan nila sa semis ang Pampanga. Nag-ambag din ng 19 puntos si Jonathan Lontoc at pumukol ng tatlong tres si Fidel Castro para sa 15 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page