Lady Aces at Lady Generals. kanino kayo sa WNBL Finals?
ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 03, 2021

Lahat ng numero ay nagtuturo sa walang talong Paranaque Lady Aces na mabigat na paborito na mauwi ang makasaysayang kampeonato ng PC Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 kontra sa palaban na Taguig Lady Generals sa seryeng best of three na magsisimula sa Dis. 4 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga. Subalit ayon sa kasabihan, bilog ang bola at kahit sino sa dalawang koponan ang maaaring manaig sa una at nag-iisang ligang propesyunal para sa kababaihang basketbolista sa Pilipinas.
Sa kanilang pagharap sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum noong Martes, inahayag ni Coach Mixson Ramos ng Lady Generals na dinoble nila ang ensayo. Malaking bagay na magtulungan sila upang mapigil ang MVP candidate na si Allana Lim at higante Clare Castro. Para kay Lim, natutuwa siya na nairaos nila ang WNBL sa gitna ng pandemya at ibang mga pagsubok. Dagdag ni Castro na marami ang umaasa na manalo ang Lady Aces.
Winalis ng Paranaque ang lahat ng walong laro sa elimination round at pinauwi agad sa dalawang laro ang STAN Quezon Lady Spartan sa best of three semifinals, 98-56 at 85-53. Tinapos ng Taguig ang elimination na may kartadang 4-4 at nakapasok sa finals matapos ma-diskwalipika ng liga ang Glutagence Glow Boosters sa semis.
Ang Game 2 ng serye ay gaganapin agad sa Disyembre 5. Kung kakailangin, ang winner take all Game Three ay nakatakda sa Dis.11. Maliban sa serye para sa kampeonato, puno ang kalendaryo ng WNBL dahil kasabay ilulunsad ang unang WNBL 3X3, ang unang ligang propesyunal para sa kababaihan. Sampung koponan ang magtatagisan, ang Uratex Dream, Uratex Tibay, Dreamers, Amazing, Quezon, JJD Basketball, Fourbees Hoopers, Jiaguel, Blue Fire Gasulista Huskies at Swish.





Comments