Labs na labs naman daw ni Jason… MELAI, NEVER MAGPAPARETOKE NG ILONG AT NGIPIN
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 24, 2023

Wala talagang kupas si Melai Cantiveros at never itong nagbago simula nu'ng makilala namin siya paglabas ng PBB house hanggang nitong makatsikahan namin siya sa nakaraang mediacon ng PIE Channel ng ABS-CBN na nagse-celebrate ng kanilang first anniversary.
Si Melai ang host ng Ur Da Boss sa PIE Channel at kasama niya sa show si Jennica Garcia.
Napag-usapan namin kung naisip ba niyang magparetoke ng ilong o 'di kaya ay magpaayos ng ngipin nang maging celebrity na siya, dahil tila nga wala namang nabago sa hitsura niya mula nang una naming makilala hanggang ngayon, bukod sa siyempre ay mas kuminis na ang kanyang kutis.
Sagot sa amin ni Melai, in-offer-an na nga raw siya ng ninang nila sa kasal ni Jason Francisco na si Dra. Vicki Belo na aayusin ang ilong niya, pero ayaw daw ng mister na may mabago sa mukha niya. Tanggap naman daw nito ang hitsura niya kaya bakit pa nga naman niya babaguhin?
Tungkol naman sa front teeth niya na kahit tapos na ang pandemic ay may social distancing pa rin (chos!), tawa kami nang tawa sa naging sagot ni Melai.
Aniya, ikinonsulta niya ito sa kanyang dentist, kaso kailangan pa raw ng study para sa kanyang ngipin para mapagdikit at kapag nag-braces siya, 3 yrs. siyang soft diet lang at hindi niya mae-enjoy ang pagkain.
Katwiran ni Melai, life is too short para 'di niya ma-enjoy ang mga kinakain niya. Ang mahalaga naman daw, hindi mabaho ang kanyang hininga at hindi madilaw ang kanyang mga ngipin.
Tama naman siya ru'n! At kung du'n siya masaya, bakit ba tayo nangingialam?! Hahaha!





Comments