Labi ng mga kalansay, natagpuan sa ginagawang gusali sa DOJ
- BULGAR
- Nov 24, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 24, 2022

May natagpuang mga kalansay sa isang construction site sa loob mismo ng compound ng Department of Justice (DOJ) sa Manila, ngayong Huwebes ng hapon.
Batay sa report, ang bungo at iba pang bone fragments o mga buto ay nadiskubre sa site ng isang 4-storey building na kino-construct sa likod ng main building ng DOJ.
“Merong mga skeletal remains na na-recover because of the ongoing construction.
Siyempre, like any, we treat it like a crime scene. So pinatawag natin ang NBI ngayon to look into it,” pahayag ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Brigido Dulay sa isang interview.
Ayon kay Dulay, agad na iniutos ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang mga skeletal remains na natagpuan sa loob ng ahensiya, bandang alas-3:00 ng hapon.
Nang tanungin siya kung mayroong iba pang mga labi ng kalansay na narekober noon, sinabi ni Dulay na hindi niya masasagot ito base sa kanyang personal na kaalaman.
“Kasi kapapasok lang namin. So historically I don’t know kung merong before our time kung may nahukay. But we’re just treating this one, because of the incident, ito lang muna ang tinitignan namin,” paliwanag ni Dulay.
Comments