Labanang Gilas-Jordan, "milagro" sa gold medal
- BULGAR
- Oct 7, 2023
- 2 min read
ni Clyde Mariano @Sports | October 06, 2023

Maraming beses gumanap si Justin Brownlee na bayani at ang pinakahuli ay ang panalo sa powerhouse Iran, 84-83, sa quarterfinals sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Sa tawag nang panahon at pangangailangan ni coach Tim Cone, muling ginampanan ni Brownlee ang hero’s role at dinala ang Gilas Pilipinas sa cliffhanger come-from-behind 77-76 panalo kontra defending champion host China sa semifinal at harapin ang Jordan sa winner-take-all finals ngayong Biyernes.
Sa panalo muling napanatili ng Gilas ang paghahari laban sa mga Chinese na kanilang tinalo nitong 2023 FIBA World Cup na napanalunan ng Germany laban sa Serbia. “Justin played one hell of a game in the second half. He was there all over gallantly battling the Chinese defense,” sabi ni Cone. Lalabanan ng China ang Chinese-Taipei para sa bronze. Natalo ang Taiwan sa Jordan sa semis.
Nanalo ang Pinas sa unang apat na Asian Games na ginawa sa India (1950), Manila (1954), Tokyo (1958) at Indonesia (1962). Sa nakaraang 25-taon ay huling nagka-silver medal ang Philippine men’s basketball national team noong 1990 Asiad sa China. Third place naman noong 1998.
Ito na ang pagkakataon na muling mabawi ang korona sa Asiad kung mananalo sa Jordan na pinalakas ni dating PBA import Rondae Hollis Jefferson at tinatalo rin ang Gilas noong 2016 Fiba Challenge at 2017 Fiba Asia Cup.
Ang akala ng Chinese crowd ay sigurado na ang panalo ng kanilang mga kababayan na lumamang 48-30 na nilimita si Brownlee sa 6 points.
Hindi nasiraan nang loob ang mga Pinoy, rumesbak at tinapyasan ang lamang ng China sa 12 points sa third period. Pagdating sa 67-71 na iwang iskor ang Pilipinas ay biglang pumasok si Brownlee sa eksena para iligtas ang Gilas sa nagbabantang panganib at matagumpay na dinala ang mga Pinoy sa panalo.




Comments