top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Laban vs. COVID-19 pandemic, mahaba-haba pa

BULGAR
Jul 15, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 15, 2022


Hindi pa nakikitang matatapos ang COVID-19 pandemic.


Ito ang sinabi ng World Health Organization (WHO) matapos ang mga bagong pagtaas ng bilang ng mga kaso sa iba’t ibang panig ng mundo.


Nakababahala umano ang 30% na pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng nakalipas na dalawang linggo dahil na rin sa mas nakahahawang Omicron sub variants.

Giit ng WHO, kung magtutuluy-tuloy ito, may posibilidad na muling mahirapan ang health care system ng mga bansa, kaya kailangan umanong sikapin ng mga pamahalaan sa mundo na mahigpit na ipatupad ang polisiya sa pagsusuot ng face mask, gayundin ang bentilasyon sa mga establisimyento.


Gayundin, nakadagdag pa sa pagtaas ng mga kaso ang pagbaba naman ng “disease surveillance,” maging ang testing at sequencing, kaya nahihirapan ang mga gobyerno sa pagtaya sa tunay na epekto ng mga variants, katangian nito at kung gaano ka-epektibo ang mga ipinatutupad na polisiya.


Sa totoo lang, mahaba-haba pa ang laban kontra pandemya. Ibig sabihin, marami pa tayong kailangang harapin at ngayon ay nahaharap tayo sa muling pagtaas ng bilang ng bagong COVID-19 cases.


Makalipas ang dalawang taon, siguro naman ay natuto na tayo, lalo na ang gobyerno. Alam na natin ang mga dapat iprayoridad, gayundin ang mga dapat at hindi dapat gawin.


Hindi pa man dito nagtatapos ang laban, ang importante, kinakaya nating makipagsabayan sa pandemya. Kumbaga, habang nakikipaglaban sa pandemya, tuloy lang ang buhay.


Pero siyempre, hindi lamang gobyerno ang dapat na kumilos kundi tayo ring mamamayan.


Higit sa lahat, kailangan ang kooperasyon ng bawat isa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page