top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Laban sa mga scammer, kailangan nang itodo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2024
1 min read

@Editorial | June 23, 2024


Editorial


Mabigat ang babala ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga tauhan ng ahensya na maging tapat at seryoso sa sinumpaang tungkulin.


Tiniyak ang istriktong pagpapatupad ng mga panuntunan sa trabaho.


Kasabay nito ang pangako na kabilang umano sa mga tututukan ay ang pagbuwag sa sindikato ng mga scammer. Target na agad na mahuli ang mga ito bago pa makapambiktima.


Plano ring pairalin o magpatupad ng reward system sa pagtugis sa mga wanted criminal at ang pondo umano ay kukunin mula sa NBI intelligence fund. Bagama’t ang nakikita nating hamon dito ay paano kung may unli pondo ang mga sindikato o may malawak na koneksyon?


Gayunman, umaasa tayo na magiging epektibo ang mga hakbang ng NBI at iba pang ahensya ng gobyerno laban sa mga kriminal.


Nakapanlulumo na nga ang hirap ng buhay, sinasamantala pa ng mga walang konsensya.


Kung may batas lang sana na talagang magpapataw ng pinakamatinding parusa para matakot ang masasamang loob, marahil kahit paano ay maiibsan o mababawasan ang kasamaan at kahirapan.


Mas malaking bagay din kung magsisimula ito sa mga kinatawan at lider ng gobyerno. Dapat na maging mabuting huwaran, tapat sa serbisyo at may tunay na malasakit sa bayan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page