Labadan, 2nd sa Uzbekistan sa Asian Rhythmic Gymnastics
ni Clyde Mariano @Sports | June 3, 2023

Nabigo ang lone Filipino survivor si Breanna Labadan sa kanyang pagpupunyagi masungkit ang ginto sa Asian Rhythmic Gymnastics Championship tumapos ang 16 years old na taga-Butuan City ng 9th overall sa Senior All-Around na ginawa sa Ninoy Aquino Stadium.
Ginawa lahat ni Labadan ang kanyang makakaya na kunin ang ginto at pasayahin ang kanyang mga kababayan na nag-cheer sa kanya. Subalit hindi sapat ang kanyang pagsusumikap para talunin ang kanyang mga kalaban.
Napanalunan ni Takhmina Ikromova ng Uzbekistan na pinahanga at nakuha ang approval ng mga judges nang ibigay sa kanya ang ginto.
Lumikom si Labadan, beterano ng World Cup at bronze medalist sa katatapos sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ng kabuuan 110.40 points good for ninth overall sa labing walong finalists.
Umiskor ang Pinay ng 26.10 points sa hoop, 29.40 points sa ball plus 28.30 at 26.45 sa clubs and ribbon. Sa kabila nito tumapos na ninth overall na nakakuha si Breanna trip ticket sa World Cup.
Nagtala si Ikromova ng 132.20 points at angkinin ang ginto, tinalo sina Elzhas na Taniyeva ng Kazakhstan at Zilu Wang ng China.
Kinuha ni Taniyeva ang pilak (128.35 points) at ang tanso ay napunta kay Wang (121.80 points), tinalo si fourth placer at kababayan ni Ikromova si Yosmina Rakhimova.
Ang tanso ni Wang ang nakapigil sa pagdomina ng Russia. Kulang sa training at exposure kumpara sa kanyang mga kalaban ang dahilan nabigo si Labadan na manalo sa nasabing competition na nilahukan ng gymnasts galing sa 20 mga bansa kasama at dalawang bansa sa Asia Oceania Australia at New Zealand.
Mahigit 10 Pinoy ang lumahok sa nasabing competition na unang ginawa sa Pinas na sanctioned ng Asian Gymnastic Union bilang qualifying sa FIG World Gymnastics na gagawin sa Spain.





Comments