ni Fely Ng @Bulgarific | July 3, 2024
Hello, Bulgarians! Kamakailan ay nakiisa si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsuporta sa programa ni First Lady Louise Araneta-Marcos’ Lab for All sa Mandaluyong College ng Mandaluyong City, sa pagsisikap na maihatid ang mga serbisyong panlipunan at medikal na mas madaling maabot ng mga komunidad sa buong bansa.
Dinala ng Pag-IBIG ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels o LPOW para tulungan ang mga miyembro sa kanilang membership registration, cash loan, housing loan applications, issuance ng Pag-IBIG Loyalty Plus cards, at tugunan ang mga tanong sa membership.
“As Lingkod Pag-IBIG, we are committed to ensuring that our members are able to utilize our programs and services, whenever it is needed, wherever they may be. Our LPOW is prepared to be mobilized nationwide and participate in future Lab for All deployments,” pahayag ni Acosta. Nagpakita rin ng suporta ang Pag-IBIG CEO sa mga miyembro ng LGBTQA+ na kasama sa pagdiriwang ng PRIDE month.
“Our Lingkod Pag-IBIG mantra -- Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso, does not discriminate against anyone. Kami ang Pag-IBIG na walang pinipiling paglingkuran. Ang aming mga serbisyo at programa ay para sa bawat isang manggagawang Pilipino, ano man ang kasarian at antas ng pamumuhay. Nais naming makapagbigay ng isang Pag-IBIG na ramdam ng lahat,” dagdag pa ni Acosta.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments