top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

La Trouppei, pakabog sa Triple Crown Series

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 31, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 31, 2023


Nasa kukote ng connections ni La Trouppei ang sweep kaya naman nagsaad sila ng pagsali sa 2023 PHILRACOM 2nd Leg Triple Crown Stakes race.


Nagwagi si La Trouppei sa first leg nakaraan at puntirya nitong sikwatin ang pangalawang panalo upang mamuro sa asam na sweep sa event na may tatlong legs na nilalarga.


Sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas pa rin ang lugar ng karera at muling makakaharap ni La Trouppei ang mahigpit nitong katunggali na sina Jaguar at Istulen Ola.


May distansiyang 1,800 meter race, ang ibang naghayag ng paglahok ay ang Earli Boating, Easy Way, Going East, Save My Savings at Secretary sa karerang nakalaan ang P3M guaranteed prize.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P2.1M sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon, ikakalat ito sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Hahamigin ng second placer ang P700,000, mapupunta ang P350,000 sa pangatlong puwesto.


Mag-uuwi ng tig-P175,000, P105,000 at P70,000 ang fourth hanggang sixth ayon sa pagkakasunod.


Gagabayan ulit ni star Jockey Jeffril Tagulao Zarate si Jaguar habang si class A rider John Alvin Guce ang gagabay kay Istulen Ola. Sumegundo sa nakaraang laban ang Jaguar habang terserong tumawid ng meta ang Istulen Ola.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page