La Trouppei at Jaguar sa Triple Crown Race
- BULGAR
- May 14, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 14, 2023
Magkakasubukan muli sina La Trouppei at Jaguar pagharap nila sa 2023 1st leg Triple Crown Stakes race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Nasilo ni La Trouppei ang panalo sa Road to Triple Crown nakaraang buwan pero hindi nangangahulugan na magiging madali ang laban niya ngayon dahil paniguradong naghanda ang lahat ng mga kalahok.
Bukod kay Jaguar, isa sa sinisilip ng mga karerista na magbibigay ng magandang laban ay ang magkakamping Istulen Ola at Going East.
Rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo si La Trouppei habang si star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang gagabay kay Jaguar sa distansiyang 1,600 meter race.
Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Gintong Hari at Easy Does It.
Nakalaan ang guaranteed prize na P3.5M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan ay hahamigin ng mananalo ang P2.5M premyo.
Ibubulsa ng second placer ang P787,500 habang tig-P437,500 at P175,000 ang 3rd at 4th ayon sa pagkakasunod.
Mag-uuwi rin ang breeder ng winning horse ng P175,000 habang tig-P105,000 at P70,000 ang second at third.
Samantala, may 10 karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya nakatitiyak ang mga management na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Double Rock (1), Meet Me In DCorner (5)
Race 2 - Civics Class (5), Asiong/Patong Patong (1/1A)
Race 3 - Magtotobetsky/Robin Hood (1/1A), Time For Glory (2)
Race 4 - La Trouppei (2), Jaguar (7)
Race 5 - Namaskar (8), You never Know/Celebrity (4/4A)
Race 6 - Electrify (1), Euroclydon (6)
Race 7 - Believe In Me (1), Arubaitosan (4), May Ten (7)
Race 8 - Sun Dance (3), Doktora (2), Work From Home (8)
Race 9 - Keynote Speaker (5), Don Lucas (3), Isla Puting Bato (7)
Race 10 - Arrogante (3), Wishful Thinking (4), Noh sen Young Yana (10)





Comments