La Mesa Dam, umapaw na
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 11, 2026

Photo: PAGASA / File
Umabot na sa spilling level ang La Mesa Dam sa Quezon City nitong Lunes ng hapon, dahilan upang magbabala ang mga awtoridad sa mga residenteng nakatira sa mabababang lugar na malapit sa Tullahan River dahil sa posibleng pagragasa ng tubig.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang water level ng La Mesa Dam sa 80.18 metro, 5:40 p.m. nitong Agosto 10, na lumampas sa spilling level nitong 80.15 metro.
Tuloy pa rin ang laban sa buhay. Sa kabila ng pagbabaha ay hindi naging hadlang para sa mag-asawa ang magtinda ng meryenda at ulam sa kalsada sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City. (Jeff Tumbado)
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar sa Quezon City, Valenzuela City, at Malabon City na manatiling alerto at bantayan ang mga susunod na abiso ng mga awtoridad.
Hinimok din ng PAGASA ang mga komunidad na malapit sa ilog at iba pang flood-prone areas na magsagawa ng kinakailangang pag-iingat habang patuloy na mino-monitor ang sitwasyon.






Comments