top of page

Kuya Kim, sapul, kampo dedma lang… VICE, TODO-PATUTSADA SA TRAYDOR NA KAIBIGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | April 4, 2023




"Dedma," sagot ng isang malapit na kaibigan ni Kuya Kim Atienza tungkol sa umano'y "patama" ni Vice Ganda.


Kahit nga raw hindi pinangalanan ni Vice ang sinasabing nagbabalat-kayong kaibigan, the fact daw na binanggit nito ang salitang "Kuya", lahat nga ng nakakaalam ay nag-assume na si Kuya Kim ito.


Matatandaang nagkaroon ng tila "silent feud" ang dalawa nang dahil sa pag-like ni Kuya Kim sa mga posts na may pamba-bash kay Vice.


At nitong balitang may nag-text sa It’s Showtime host noong birthday nito at humihingi ng "Sorry",


hindi nga ito tinanggap ni Vice at in-announce pa ngang hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga nagsasabing kaibigan ka o yumayakap sa iyo pero sinasaksak ka nang patalikod.


ARAY!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page