Kung totoong may papatay.. Hamon kay Teves, umuwi ng 'Pinas

ni Mylene Alfonso | March 27, 2023

"Umuwi ka muna bago natin pagusapan mga request mo.”
Ito ang mensahe ni Speaker Martin Romualdez kay Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves na nananatili sa ibang bansa.
Hindi umano dapat idaan ni Teves sa social media ang kanyang “kahilingan.”
“Paano namin malalaman kung sinsero siya sa sinasabi niya about sa threat sa buhay niya o wala siyang kinalaman sa kaso?” pahayag pa ng lider ng Kamara.
“Just come home. After all, may kasabihan that truth will set you free kung inosente ka,” aniya pa.





Comments