Kung sincere raw sa 'healing'… VICE, KAY BILLY LANG NAKIPAGBATI, KUYA KIM, TABLADO PA RIN
ni Ambet Nabus @Let's See | November 10, 2023

May mga nagkokomento naman na hindi pa raw itinodo ni Meme Vice Ganda ang sinasabi niyang ‘healing’ nang bukod-tanging sina Billy Crawford at Coleen Garcia lang ang inimbita nitong maging guests ng team nila sa Magpasikat sa It’s Showtime.
Dapat daw kasi, kung totoong pag-heal ng mga sugat na nalikha ng mga gusot, tampuhan o away ang tema ng gusto nitong ganap, dapat din umanong inimbita ni Vice si Kuya Kim Atienza.

Sey ng mga nakatutok na netizens, "Ok na 'yung epekto ng healing concept kay Vice, eh, nu'ng maisipan niyang makipagbati na kay Billy. Pero may kulang, eh, 'yung sana ay batiin na rin niya si Kuya Kim."
Bukod daw kasi kay Billy na nakaalitan ni Vice, pumutok din dati ang tila gusot nila ni Kuya Kim.
Unless, hindi raw ina-acknowledge ni Vice na may gusot din siya sa dating kasamahan o hindi niya ito matatawag na ‘kaibigan’ 'di gaya ni Billy na tinawag pa niyang "best friend".
Or baka naman mayroong effort na ginawa pero parang nahilawan pa ang isang kampo lalo’t posible ring tawagin na ginagamit pa ang away para lang sa show?
Ang daming hanash ng mga sobrang invested sa isyu, 'noh?! Hahahaha!!!





Comments