top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung sina Vice Ganda at Ion Perez lang isinuspinde maraming matutuwa at pupuri sa MTRCB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 17, 2023


PINOY, IGNORANTE SA ISYU? KASI BAD NA NO. 1 SA BUONG MUNDO ANG ‘PINAS SA RICE IMPORTATION, PERO DAMI PA ANG NAG-LOVE AT NAG-CARE REACTIONS -- Tila may katotohanan ang inilabas na datos noong year 2017 ng IPSOS Research and Public Opinion na nakabase sa Paris, France na ikatlo ang mga Pinoy sa mga itinuturing na ignorante kung isyung may kinalaman sa bansa ang pag-uusapan.


Nasabi nating tila may katotohanan, kasi sa ibinalita ng United States Department of Agriculture (USDA) na naungusan na ng Pilipinas ang China bilang top rice importer sa mundo, eh mantakin n’yong daming Pinoy netizens ang nag-love at nag-care reactions sa social media, na akala nila good news ito, ang hindi pala nila alam, ay bad news ito, boom!


◘◘◘


SANA MATIGIL NA ANG IMPORTATION NG PAGKAIN PARA SUMIGLA ULI ANG HANAPBUHAY NG MGA MAGSASAKA -- Sabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay hindi raw dedepende ang Pilipinas sa laging importasyon, at kaya lang daw nag-i-import ngayon ay dahil sa tagal na panahon ng perhuwisyong idinulot sa bansa ng COVID-19 pandemic.


Sana nga matigil na ang importasyon ng mga produktong pagkain para naman muling sumigla ang hanapbuhay ng mga magsasakang Pinoy, period!


◘◘◘


SANA MAPAKIUSAPAN NG DTI ANG MGA MANUFACTURERS NA ‘WAG MUNANG MAGTAAS NG PRESYO BILANG PAMASKO SA PINOY -- Inanunsyo ni Sec. Alfredo Pascual ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na papakiusapan daw niya ang mga manufacturers na huwag munang magtaas ng presyo hanggang sa dulo ng year 2023 dahil masyado na umanong nahihirapan ang mamamayan sa mataas na presyo ng mga bilihin.


Sana nga mapakiusapan ng DTI ang mga manufacturers na huwag na munang magtaas ng presyo bilang pamasko sa mga naghihirap na Pinoy, boom!


◘◘◘


IMBES PAPURI, BATIKOS ANG INABOT NG MTRCB -- Kung ang mag-dyowang Vice Ganda at Ion Perez lang ang isinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), tiyak marami ang pupuri kay MTRCB Chairman Lala Sotto.


Ang problema, buong programa ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN ang isinuspinde ng MTRCB, na pati mga hosts at empleyado na walang kinalaman sa kalaswaang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa harap ng mga bata at telebisyon ay nadamay, at dahil d’yan, imbes na papuri ay batikos ang inabot ni Chairman Lala sa netizens, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page