Kung sina Isko at Grace Poe, oks lang… TONI, IPINABOBOYKOT NG NETIZENS DAHIL SA INTERVIEW
KAY BONGBONG
ni Nitz Miralles - @Bida | September 16, 2021

May pahayag si Toni Gonzaga sa mga bashers niya at netizens na nagalit nang i-guest niya si Bongbong Marcos sa kanyang vlog na Toni Talks.
Dahil sa ginawa ni Toni, tinawag siyang “Marcos apologist,” “Marcos ally, “enabler” at ang iba, ipinapa-cancel pa siya (new word for boycott) dahil sa insensitive behavior niya.
Sagot ni Toni sa kanyang mga bashers at sa mga nagalit sa kanya sa ginawang pagge-guest sa ninong niyang si Bongbong Marcos, “I have nothing to hide, I have nothing to defend, I have nothing to prove, I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside.”
Ang nakakapagtaka, bakit nu'ng sina Sen. Grace Poe at Mayor Isko Moreno ang ininterbyu niya, wala namang violent reaction?
In fairness, ang daming views ng interview ni Toni kay Bongbong, umabot sa 1M in one day at tataas pa ito ngayong controversial ang guesting ni Bongbong sa vlog ni Toni.





Comments