top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg

Kung sila ni Chloe, invited… PARENTS, OUT SA BLESSING NG BAGONG BAHAY NG MGA KAPATID NI CARLOS YULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 6, 2026



WINNER - PARENTS, OUT SA BLESSING NG BAGONG BAHAY NG MGA KAPATID NI CARLOS YULO-IG _c_edrielzxs

Photo: IG @c_edrielzxs



Missing sa house blessing ng mga kapatid ni Carlos Yulo ang kanilang mga magulang.


Hinanap ng mga netizens ang mga magulang ng Yulo siblings sa ipinost ni Carlos recently sa Instagram na picture nila ng mga kapatid na sina Jorielgel, Karl Eldrew at Elaiza during the house blessing.


Nag-congratulate si Carlos sa mga kapatid sa bago nilang bahay.


Caption ni Carlos sa IG post niya: “You guys did it! From dreams, prayers, and hard work, to finally having a place to call your own; your own peace and your own beginning.


“Congratulations, Ate @joryeng, @karll_yulooo and @yuloelaiza on your house blessing. Proud ako sa inyo (house & praise emoji).”


Kani-kanyang kuda ang mga netizens sa pagkawala ng parents ng Yulo siblings sa house blessing nila.“Grabe naman ‘tong pamilya na ‘to, parang ‘yan ba ang masayang picture para sa iba na ‘di kasama ang magulang? Parang kahit ano pa’ng marating mo, parang ‘di complete ‘pag wala ang parents mo.”

“Nasaan ‘yung parents?”


“‘Wag na maghanap ng wala sa pictures, ‘di ba? Happy life, love, love, love lang.”

Buti pa raw ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose ay ka-join sa house blessing.


Komento pa ng iba…


“Despite the issues I admire the partner of @c_edrielzxs Chloe for just being true to herself, selfless and genuine. Wishing you all more blessings and humility. ‘Pag maayos ang pamilya, may maayos na tirahan, may resources, mas makakapag-focus sila sa training for the LA Olympics!”


“Hahaha! You admire Goldie? Money makes the world go round talaga.”

Meron ding naniniwala na sadyang may problema raw ang nanay ng Yulo siblings.

Sey pa ng mga netizens…


“Own peace talaga ‘pag walang narc (narcissist) na parents nila.”

“LOL (laugh out loud) okey na silang lahat, iwas lang sa issues kaya ‘di sila kasama sa picture.”


“Okay? Eh nu’ng April 8 lang, may shared post pa ‘yung tatay nila about sa anak na walang kwenta.”


“Nagpaparinig lang naman ‘yung tatay sa FB (Facebook).”

Ganern?





Nagbibiruan pa sa socmed… 

ELLEN AT GF NI JOHN LLOYD, MAGKASUNDO



Walang duda na magkasundo ang girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos at ang ex-partner niyang si Ellen Adarna.


Sa latest post ni Isabel sa Instagram (IG), nag-comment si Ellen.

Ipinost ni Isabel ang video ng bonding nila ng anak nina John Lloyd at Ellen na si Elias.


Pinawi ni Elias ang lungkot ni Isabel sa pagkawala ng kanyang aso. 


Isa si Elias sa mga batang kasama ni Isabel sa video. Ang isa pa ay pamangkin ni Isabel na si Tristan. 


Nag-bonding sina Isabel, Tristan at Elias habang ipinapasyal ang kanilang mga alagang aso.


Sa caption ay ikinuwento ni Isabel ang naging usapan nila. Tinanong daw ni Tristan si Isabel kung paano namatay ang aso niyang si Noah.


Sagot ni Isabel, “He got an infection. He couldn’t fight it because he already had a heart problem (sad emoji).”


Sabi naman ni Elias, “He’s in a better place.”


Sa comment section ay nag-post ng reaksiyon ang ina ni Elias na si Ellen Adarna.

Say ni Ellen, “May mado-dognap na.”


Nag-reply si Isabel sa comment ni Ellen, “Biglang takbo (laughing emoji).”

‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page