top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung si Tito Sotto may pa-"Eat Bulaga", si Bong Go may makinarya na, may Malasakit Center pa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 18, 2021


KAPAG HINDI TUMAKBO SI MAYOR SARA, MAOOBLIGA SI P-DUTERTE NA SI SEN. BATO NA LANG ANG MANUKIN SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION--Sa social media ay pinagtatawanan ang pagkandidatong pangulo ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa ilalim ng PDP-Laban.


Pero hindi dapat ismolin ang pagkandidatong pangulo ni Bato kasi kung talagang hindi tatakbo sa pagka-pangulo si Presidential daughter Mayor Sara Duterte-Carpio ay no choice si P-Duterte at ang PDP-Laban, kundi si Bato na ang manukin sa 2022 presidential election, at kapag nangyari 'yan ay puwede siyang makasilat dahil malakas ang makinarya ng Duterte administration, na ang lahat ng resources ng gobyerno ay nasa kontrol pa rin ng pangulo, na 'ika nga, lahat ng "taktika" sa eleksiyon ay puwedeng gawin para manalo ang pambato nila sa eleksiyon na si "Bato," period!


◘◘◘


BAKA MAULIT ANG KASAYSAYAN AT MABULAGA ANG LAHAT KAPAG NAGING PANGULO SI "BATO"--Tandaan, nangyari na ang ganyang senaryo noong 1992 presidential election, na ang pinag-uusapang malalakas na kandidato noon ay sina former Sen. Miriam Santiago, businessman Danding Cojuangco, former Speaker Ramon Mitra at former First Lady Imelda Marcos, hindi nga nasasali sa usapang-pulitika ang manok ni former Pres. Cory Aquino na si former Defense Sec. Fidel V. Ramos, pero nang matapos ang eleksiyon, sa pamamagitan ng dikitang boto ay si FVR ang idineklarang nanalong pangulo.


Uulitin natin, ha? Huwag ismolin kapag si Sen. Dela Rosa na ang minanok ni P-Duterte kasi baka maulit ang kasaysayan, at mabulaga tayong lahat na siya ang nanalo, boom!


◘◘◘


TITO SOTTO NG 'EAT BULAGA' VS BONG GO NG 'MAKINARYA' AT MALASAKIT CENTER--Huwag din pasisiguro si Senate Pres. Vicente "Tito" Sotto na porke siya ang Top sa vice-presidential race survey ay sure win na siya.


Manok din kasi ni P-Duterte sa pagka-VP si Sen. Bong Go, na ibig sabihin ay malakas din ang makinarya niyan.


Si Sotto, ang panlaban lang niya ay "Eat Bulaga"; si Bong Go, malakas na ang makinarya, may "Malasakit Center" pa, period!


◘◘◘


KAMANGMANGAN SA PAGBOTO, SINASAMANTALA NG MGA PULITIKONG NAGTATAGUYOD NG POLITICAL DYNASTY--Kapuna-puna na sangkaterbang magkakamag-anak na pulitiko ang nagsipag-file ng COC (Certificate of Candidacy) sa Comelec.


Kaawa-awa naman ang mga mangmang na botante, sinasamantala ng mga pulitiko na nagtataguyod ng political dynasty ang kanilang kamangmangan sa pagboto.


Magbabayad lang ng political ad sa telebisyon ang mga trapo, maya't maya ay ipalalabas na 'yung political ad nila na may temang pang-uuto sa mga bobotante, yari na, napahanga na nila ang mga mangmang na botante, iboboto na sila sa eleksiyon, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page