top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung si Sen. Bong ang junior…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2020
  • 3 min read

JOLO, BINILINAN NI RAMON, SR. NA ALAGAAN ANG PAGIGING "REVILLA, THE THIRD"

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 2, 2020




Ngayong araw na ito (Thursday, July 2) ay ihahatid na si former Senator/actor Ramon Revilla, Sr. sa kanyang huling hantungan sa Angelus Memorial Park sa Imus, Cavite kung saan din nakahimlay ang kanyang asawang si Azucena Mortel-Bautista.


Kahapon ay inialis na ang kanyang labi sa Revilla Mansion sa Cavite kung saan siya ibinurol ng 4 nights at dinala sa Senado kung saan ay binigyan siya ng military honors bilang dating senador na naglingkod sa bansa.


Pagkatapos dalhin sa Senado ay nagkaroon ng water cannon honors para sa dating senador sa Macapagal Avenue mula naman sa Pasay City government.


Sa kanyang huling gabi kagabi ay ibinurol si Don Ramon sa Imus Cathedral at doon na manggagaling para ihatid sa kanyang huling hantungan ngayong umaga.


Halos lahat ng nagaganap sa lamay at burol ni Don Ramon ay naka-live video sa Facebook account ni Sen. Bong Revilla, Jr. para sa taumbayan na gustong makita ang kanyang ama sa huling pagkakataon.


Sa FB Live ni Sen. Bong kahapon habang naghahanda para dalhin sa Senado ang labi ng ama, aniya ay napakasakit daw pala kapag isinara na ang kabaong.


“Ang sakit pala ‘pag isinara na ‘yung kabaong, sakit ng pakiramdam,” aniya.


Samantala, naging emosyonal naman si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla nang magbigay siya ng eulogy para sa kanyang lolo last Tuesday night.


“Actually, I was very thankful dahil nabigyan ako ng opportunity na maging lalong ka-close si Daddy (tawag niya sa kanyang lolo) these past few weeks,” bungad ni Jolo sa Facebook Live video na ibinahagi ni Sen. Bong.


“Dahil noong mga bata kami, ayoko namang sabihing trauma, may takot kami kay Daddy Ramon. Dahil totoo po, matapang si Daddy. 'Pag dumarating ‘yan, ‘yung tindig niya, talagang straight body.


“Darating siya rito sa bahay, ‘Ayan na si boss. Ayan na si boss,' sasabihin ni Mommy Zena (ang kanyang lola). So, lahat ng mga anak niya, sasalubong sa kanya. 'Yung boses, alam mong sobrang strong.


“Pero simula nang nagkasakit siya, kung ano ‘yung ikinatapang niya, ‘yun naman ‘yung ikinalambot niya,” paggunita pa ni Jolo.


Matatandaang May 31, 2020 nang isinugod sa ospital ang kanyang lolo at kuwento ni Jolo, sumama siya sa ospital sa kanyang amang si Sen. Bong.


“Hindi na ako nagdalawang-isip, kahit walang PPE (personal protective equipment), dumiretso kami ni Papa sa COVID ER (emergency room) dahil gustung-gusto kong makita si Daddy.”


Gumaralgal na ang boses ni Jolo. Patuloy niya, “Masasabi ko na isang malaking utang na loob for me (at tuluyan nang napaiyak), karangalang makuha, maibigay ‘yung pangalang Jolo Revilla III.”


Ang totoong pangalan ni Jolo ay Jose Lorenzo Hernandez Bautista III na sumusunod sa ama niyang si Jose Maria Mortel Bautista, Jr. (Sen. Bong) na sumusunod naman kay Mang Ramon na Jose Acuña Bautista, Sr. in real life.


Dagdag pa ni Jolo, “Ibinilin niya (Mang Ramon) sa akin nu'ng bata ako, ‘Jolo, alagaan mo ‘yang pangalang ‘yan, ‘yang pagiging III.’”


Jolo revealed na sobrang tuwa niya nang bumuti na ang kalagayan ng kanyang lolo kahit pa nga na-quarantine raw siya for 14 days dahil sumugod sila sa ospital at napasok sa emergency room ng COVID-19 patients.


“Pero Daddy, gusto ko lang malaman mo, wala po akong pagsisisi kahit ma-quarantine pa po ako ulit, gagawin ko, basta para sa inyo,” ang mensahe ni Jolo sa kanyang lolo.


Ginunita rin niya nang sabihin daw niya sa lolo niya na magpapakasal na sila ni Angelica Alita.


“Ang sabi lang ni Daddy, ‘Basta, Angel, aalagaan mo si Jolo, ha?’ Nagulat ako dahil sa loob ko, dapat ako ang mag-aalaga kay Angel,” natatawang sabi ni VG Jolo.


Bilang pagtatapos ay sinabi ng aktor-pulitiko na mahal na mahal niya ang kanyang lolo at ite-treasure raw niya ang lahat ng bagay na natutunan niya rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page