Kung si Rayver, perfect 10 ang score, Elmo… EX-BF NI JANINE, BAGSAK PARA KAY LOTLOT
- BULGAR

- Jul 24, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 24, 2020

Sa latest vlog ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez ay napasabak ang kanyang mom na si Lotlot de Leon sa "Truth or Drink" challenge. Kapag may hindi nasagot si Lotlot o si Janine ay kailangan nilang uminom ng wine.
Siyempre, tinanong ni Janine ang kanyang mommy kung ano ang ibibigay na ratings sa BF niyang si Rayver Cruz.
Almost perfect 10 ang score ni Lotlot kay Rayver, kaya masaya si Janine.
Pero ang isang ex-BF ni Janine, bagsak sa ratings ng kanyang mommy. May ilang netizens ang nanghula at sinabing si Elmo Magalona ang naturang ex-BF na hindi pumasa sa pamantayan ni Balotsky.
Pero para kay Janine, past is past. Bahagi na lang 'yun ng kanyang nakaraan.





Comments