Kung si John Lloyd, P700 K per day daw… BEA, P.5 M ANG HININGING TF KADA ARAW SA GMA-7
- BULGAR
- Jul 1, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 01, 2021

May post ang Instagram account ng GMA-7 na: "An award winning actress will soon be a Kapuso."
Ang espekulasyon ng mga netizens, si Bea Alonzo ang tinutukoy ng network.
Pero ang komento naman ng ibang netizens, "How come na magiging si Bea 'yan? 'Di nga ba't hindi nila kinagat ang mataas na talent fee na hinihingi ni Bea?"
"Baka naman ibang aktres ang tinutukoy ng Kapuso?"
Sabi naman ng ibang netizens, "May project sina Alden Richards at Bea, pero parang hindi naman siya lilipat?"
May nagsabi namang "For sure, si Bea 'yan kasi may teleserye nga silang gagawin sa Kapuso."
Ang hiningi raw na talent fee ni Bea per taping day ay nasa P300K to P500K at deserving naman daw ang aktres kung kakagatin ng GMA-7.
Si John Lloyd Cruz daw kasi nu'ng nasa Kapamilya pa ay P700 K na raw ang TF, eh, what more pa kaya ang matatanggap sa Kapuso?
"They will guide them naman for sure since 'andu'n sina Mr. M and Mariole. Mai-star struck na 'yung mga Kapuso artists, mga idols nila, naglilipatan na, hehehe!"
Anyways, hindi naman madedehado ang mga Kapuso lumipat man si Bea dahil marami rin namang magagaling na artista sa GMA-7.





Comments