Kung si Jessy, nakapag-ober da bakod… JANELLA, NAGMALDITA SA BOSSING NG TV5, INAYAWAN
- BULGAR

- Jul 24, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 24, 2020

Sa krisis na pinagdaraanan ngayon ng ABS-CBN, hindi lang ang mga empleyado ang mawawalan ng trabaho mula sa Agosto kundi maging ang mga artista rin.
Ang ibang artista, lumipat na ng istasyon at may go signal naman ito ng Kapamilya Network.
Pero balita namin, tulad ni Jessy Mendiola, dapat ay may project na ring gagawin si Janella Salvador sa TV5, kaya lang ay ni-reject umano ng Kapatid Network.
Ang dahilan ay may attitude umano ang dalaga. Nagmaldita raw si Janella sa isang tumawag sa kanya na may "say" sa gagawin sanang programa.
Kamakailan lang ay naging controversial ang young actress dahil isinumbong siya ng kanyang PA (personal assistant) sa programa ni Raffy Tulfo.





Comments