Kung si Heart, kasama pa ang madir… PIA, BALIK SA PAGRAMPA SA PARIS FASHION WEEK
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 27, 2026

Photo: FB Pia Wurtzbach
Rumampa ulit si Pia Wurtzbach-Jauncey sa Paris Fashion Week (PFW).
Ipinakita ni Pia sa Instagram (IG) ang larawan niya na naka-check-in sa isang malaking room sa isang mamahaling hotel sa Paris.
Caption ni Pia, “Back in Paris! A new season unfolds at @lemeuriceparis (France flag).”
Ayon sa isang netizen tungkol sa hotel kung saan nag-check-in si Mrs. Jeremy Jauncey, “Pia is staying at @lemeuriceparis, the hotel of Artists and Thinkers! (in love & clap emoji).”
Marami ang nagbunyi sa pagbabalik ni Pia sa PFW.
Sey ng mga netizens…
“Queens don’t chase, we reign. Woohoo Mrs. Jauncey attending this year’s PFW Haute Couture edition!”
“Our Queen is back in Paris!”
“Wurtz, back in Paris.”
Muli, hindi pa rin tumigil ang pagsasabong ng mga netizens kay Pia at sa Kapuso star na si Heart Evangelista.
Komento ng mga fans…
“Always lusting for people’s money to buy bots.”
“Pero ‘yung YSL ranked 2 organic din, LOL (laugh out loud).”
“Galing ni Miss Universe Pia, dahil sa pagsusumikap n’ya kung nasaan s’ya ngayon.”
“Yes, we stan hardworking self-made queen (crown & heart emoji).”
May nagtanong din sa comment section tungkol sa ina ni Pia, na halatang patama sa ina ni Heart na si Cecilia Ongpauco, na ka-tandem na ng misis ni Sen. Chiz Escudero sa pagrampa sa Paris Fashion Week.
Tanong ng isang fan, “Is your mom coming too? Char! (laughing emoji).”
Kabog!
Naging gay performer sa Japan…
DATING ACTION STAR, TRANSWOMAN NA NGAYON
NAIS magbalik-showbiz ng dating male star na si Arthur Benedicto at ngayon ay isa nang transwoman bilang si Bambi Moreno.
Pagkatapos ng kanyang stint sa showbiz noon, kung saan nasubukan din niya ang maging action star, pumunta si Bambi sa Japan at doon ay naging male performer.
Hindi kalaunan ay nag-iba siya ng gender preference. Bilang gay performer sa Japan, naakit siya sa laki ng kinikita ng isang transgender performer sa isang bar na pinagtatrabahuhan niya.
Hindi nagtagal, nagdesisyon siyang magpa-sex change at ngayon ay isa na siyang transwoman.
Bumabalik-balik pa rin siya ng Pilipinas every now and then gaya na lamang noong mainterbyu namin siya kamakailan.
This time, nais ni Bambi na muling humarap sa kamera bilang artista.
“Hinahanap ng katawan ko ang pag-arte kahit sa TV, kahit konting role lang. Kaya gusto kong bumalik. Sabi ni Tito Alwyn Ignacio (her publicist), bagay daw ako magkontrabida,” pahayag ni Bambi.
Willing daw siyang gawin kahit ano ang ipagawa sa kanya. Gusto niyang makaeksena sina Judy Ann Santos at Ivana Alawi.
Type rin niyang makipagsabayan ng pagkokontrabida kina Gladys Reyes at Angel Aquino.
“Ang napapanood ko sa online like Netflix, si Kim Chiu,” sabi niya.
Gusto rin niyang makatrabaho sina Jay Manalo at Alfred Vargas.
Sa younger generation naman ay sina Darren Espanto at Kyle Echarri.
Dream ni Bambi na makalabas siya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin. Sana raw ay magkaroon ng opportunity na makita siya ni Direk Coco.
Well, sana nga ay mapagbigyan si Bambi Moreno.








Comments