top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung si Diego, nakipagbati na kay Cesar… JULIA, BINATI NG HAPPY BIRTHDAY NI DENNIS, DEDMA LANG

BULGAR
Mar 10, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 9, 2022




Birthday ngayong araw ni Julia Barretto. She’s 25 years old na at noong isang araw pa siya binabati ng ama niyang si Dennis Padilla ng advance happy birthday, pero NR o No Reaction si Julia.


May kasama pang old photos nila ni Julia ang birthday greetings ni Dennis sa anak.


Sabagay, baka hindi nakarating kay Julia ang birthday greetings ng ama na “Advance happy b-day, anak. I love you,” at “Julia... Time really flies... Advance happy birthday... Love you, anak,” dahil hindi naman siya itinag ni Dennis.


Si Dani Barretto ang itinag ni Dennis sa birthday greetings niya kay Julia. Hoping siguro si Dennis na ipararating ni Dani ang birthday greetings niya kay Julia.


May nag-comment na sana ay mabasa ni Julia ang mensahe ni Dennis at may nagsabi pa na masuwerte siya dahil may ama na nagta-tag sa kanya. Kaya ang mga followers na ni Dennis ang nag-tag kay Julia.


Sabi naman ng isang netizen, si Diego Loyzaga, nakipag-reconcile na sa ama niyang si Cesar Montano, sana, si Julia rin, makipagbati na kay Dennis.


Ngayon ang birthday ni Julia, malay natin at sagutin nito ang birthday greetings sa kanya ng ama.


Si Dennis pala ay tumatakbong konsehal sa 2nd District ng Caloocan City and in fairness, ang daming tao sa campaign sortie niya. Marami ring giveaways si Dennis at marami siyang sponsors.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page