top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Kung si David, may Ashtine… BARBIE, MAY ENCHONG NA

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 22, 2026



BIDA - BARBIE, MAY ENCHONG NA_IG _unanghirit

Photo: IG _unanghirit



Kung si David Licauco ay may Ashtine Olviga na bago niyang ka-love team, si Barbie Forteza naman ay may Enchong Dee. 


Magkasama sila sa Netflix special na A Perfect Christmas, na kung hindi kami nagkakamali, ang original title ay Paskong Pinoy.


Hindi nabanggit kung love interest nila ang isa’t isa sa nasabing Netflix series, pero dahil sila ang laging magkasama sa mga lumalabas na pubmat, hindi maiwasang isiping magkapareha sila.


Well, nagdurugo ang puso ng mga BarDa fans at laging ini-insist na tambalang Barbie at David lang ang susuportahan nila. Wala nga lang silang magagawa dahil sa ngayon, wala pang project ang BarDa at sa iba sila ipinapareha.


Hindi rin nakakatulong para bigyan ng project ang love team dahil sa diumano’y gap nila. Nabanggit kasi dati ni Barbie na si Khalil Ramos ang kanyang perfect love team, kaya na-offend ang mga fans ni David at nagtampo sila sa aktres. 


Hindi na rin sila sold na ituloy pa ang BarDa love team dahil tumatakbo naman daw ang career nina Barbie at David kahit hindi sila magkapareha.





Pinagtatawanan tuloy…

DAVID, PINAGLALARUAN NA NG FANS, WALA PA RING KAALAM-ALAM



Natawa ang mga nakabasa sa comment ng Kapuso actor na si David Licauco tungkol sa naughty word na obviously, hindi niya alam ang meaning.


Nag-post kasi si David ng “Free pala ‘yung ep. 1 ng Fight For My Way sa Viva One.” 

May sumagot na fan, “How about po ‘yung may mga canthoughtan na scene? David Licauco?”


Tanong ng aktor, “Ano’ng canthoughtan?”

Nagtawanan ang mga fans at kung sa live ‘yun sinabi ni David, sabog siguro sa lakas ng tawanan. 


Ipinagtanggol siya ng ilan at hayaan daw ang aktor na walang muwang sa nangyayari sa mundo.


Kung hindi kami nagkakamali, second time na ito ni David na nagtanong ng meaning ng word na binabanggit sa kanya ng mga salbaheng fans. 


Naalala namin, may tinanong din siyang naughty word na first time niyang narinig at buong kainosentehang tinanong ang fan kung ano ang ibig sabihin nito. Nagtawanan ang mga fans, pero hindi na siya sinagot.


Anyway, nagustuhan nga ng mga fans ang Fight For My Way nina David at Ashtine Olviga. May chemistry sila at puwede na raw ituluy-tuloy ng Viva at GMA ang kanilang love team. 


Wala naman na raw yata ang AshDres love team nina Ashtine at Andres Muhlach at mukhang malabo na sa ngayon ang BarDa tandem nina David at Barbie Forteza.


Samantala, bukas na ang Tomas Morato branch ng Sóbra Café owned by David. Isa lang ito sa maraming negosyo ng aktor at paghahanda niya kapag wala na siya sa showbiz.





TULOY na sa December 8, 2026 ang first major concert ni Jillian Ward billed Jillian sa New Frontier Theater. 


May original date ang concert ng Kapuso actress, hindi lang natuloy dahil may mga inayos pang details. 


Pero ngayon, tuluy-tuloy na at panay din ang rehearsal niya para mas solid ang kanyang performance.


Busy din ito sa pagpo-promote ng kanyang concert at sa November 26, may live ticket selling siya sa Smart Araneta Coliseum. Mula 5 PM to 7 PM siya magbebenta, kaya kung gusto n’yo siyang makita sa personal, go kayo sa Big Dome. Kahit hindi kayo bumili ng tiket, makikita n’yo pa rin si Jillian.


Hindi pa rin in-announce kung sino ang guest ng aktres sa kanyang concert. May request na i-guest si Emman Bacosa Pacquiao, kaya lang hindi yata ito kumakanta. 


May gusto namang i-guest si Kobie Brown, ang latest na na-link kay Jillian. Tingnan natin kung matutupad ang gusto ng mga fans.


And speaking of Jillian, makakasama siya ni Marian Rivera sa new drama series ng GMA-7 na Behind Closed Doors. Makakapareha ni Jillian rito si Anton Vinzon. Malabo lang na maging for real ang love team nila dahil inamin ni Jillian na may boyfriend na siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page