Kung sa ibang bansa bumibili na ng bakuna...
- BULGAR

- Dec 18, 2020
- 1 min read
Sa ‘Pinas face shield, face mask at mass testing pa rin ang pinuproblema, ngek!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 18, 2020
NAGBIBILIHAN NA NG BAKUNA ANG IBANG BANSA, PERO SA ‘PINAS, PAGSUSUOT PA RIN NG FACE SHIELD, FACE MASK AT MASS TESTING ANG TINUTUTUKAN—Nagpalabas na ng direktiba ang Malacañang na nag-oobliga sa publiko na magsuot ng face shield at face mask kapag lalabas ng bahay at next year ay magpapa-COVID-19 mass testing na rin sa mamamayan ang Duterte gov’t.
Ang ibang bansa ay nagbibilihan na ng bakuna kontra COVID-19 para sa kaligtasan ng kanilang mamamayan, pero ang Pilipinas ay nasa punto pa lang ng pag-uutos sa lahat na magsuot ng face shield at face mask at pagpapa-mass testing next year, boom!
◘◘◘
PRAMIS NOON NI P-DUTERTE NA DISYEMBRE AY MAY BAKUNA NA, PERO DISYEMBRE NA NGAYON AY WALA PA RING BAKUNA—Noong July 2020 ay ipinangako ni P-Duterte sa publiko na may bakuna na sa Pilipinas sa Disyembre 2020, pero Disyembre na ay wala pa rin bakuna.
Hay naku, kahit sa panahon ng pandemya ipinaiiral pa rin ni P-Duterte ang pamboboladas sa publiko, buwisit!
◘◘◘
ITINALAGANG VACCINE CZAR NI P-DUTERTE, MAKUPAD!—Ayon kay Vaccine Czar ret. Gen. Carlito Galvez, Marso 2021 pa raw darating ang COVID-19 vaccines sa bansa at maaaring ang pagbakuna sa mamamayan ay maumpisahan sa Hulyo 2021.
Ganyan kakupad sa pagbili ng bakuna ang retired general na ginawang vaccine czar ni P-Duterte, pwe!





Comments