top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung may natitira pang delicadeza… Tigilan na ni Quiboloy ang pagpa-pastor

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 24, 2021


DAPAT KILATISIN ANG PAGKATAO NG MGA KANDIDATO BAGO IBOTO—Ngayong panahon ng eleksiyon, nagsasalimbayan na naman ang pangako ng mga pulitiko sa mga botante na nagbibigay ng maling pag-asa sa mamamayan. Kadalasan kasi ang pangako ng mga kandidato ay napapako na kapag naluluklok na sa poder.


Ang madalas mangako na ‘yan ay ‘yung mga trapo (traditional politician).


Kaya ang dapat gawin ng publiko, kilatisin ang pagkatao ng mga kandidato, at kapag ito ay trapo, ibasura agad sa eleksiyon kasi kapag nanalo ‘yan, tiyak na mapapako lang naman ang mga pangako niya sa mamamayan, period!


◘◘◘


MABUTI PA SI USEC. VERGEIRE, NAKIKITA ANG POSIBLENG MANGYARI SA PANAHON NG PANDEMYA PERO SI SEC. DUQUE “NGANGA”—Nagbabala si Usec. Ma. Rosario Vergeire, spokesman ng DOH (Dept. of Health) na dahil nagluwag ang IATF (Inter-Agency Task Force) sa paglabas ng tao kahit may pandemya pa ay posibleng bago matapos ang taon ay dadami na naman ang madadale ng virus, kung saan maaari itong pumalo hanggang 27-K cases sa loob ng isang araw.


Mabuti pa si Usec. Vergeire, may pakialam at nakikita na ang mga posibleng mangyari sa bansa, pero ‘yung boss nilang si DOH Sec. Francisco Duque III, “nganga” lang, boom!


◘◘◘


NATURINGANG PASTOR SI PASTOR QUIBOLOY, PERO NASASANGKOT SA SEX TRAFFICKING—Sinampahan ng US (United States) Justice Department si Pastor Apollo Quiboloy ng kasong child sex trafficking.


Hay naku, naturingang pastor, tapos nasasangkot sa sex trafficking ng mga bata? Buwisit!


◘◘◘


DAPAT TUMIGIL NA SA PAGPA-PASTOR SI QUIBOLOY—Kung may natitira pang delicadeza si Pastor Quiboloy, tantanan na niya ang pagiging pastor at pagpapakilalang siya ay “Anak ng Diyos.”


Sa totoo lang, hindi katanggap-tanggap na ang pastor na nagpapakilalang “Anak ng Diyos” ay nakakasuhan ng child sex trafficking, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page