top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung may malasakit sa bayan, dapat meron din sa kalikasan

BULGAR
May 7, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 7, 2022


Ngayong huling araw ng campaign period, nanawagan ng malinis na pagtatapos ng kampanya ang isang environmental group sa mga kandidato at botante.


Hiling ng grupo, agad na magsagawa ng post-campaign cleanup ang mga kandidato, habang umapela naman ito sa mga botante na huwag ikalat sa mga polling center o itapon kung saan-saan ang mga sample ballot para sa Mayo 9.


Gayundin, dapat umanong ipagbawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng sample ballot dahil may ilang grupo pa rin umanong namimigay nito, na magbubunga naman ng mga pagkakalat sa polling stations.


Bukod pa rito, nagpaalala ang grupo sa mga kandidato na magsagawa ng cleanup activities, alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act at iba pang batas-pangkalikasan upang protektahan ang kalusugan ng publiko, gayundin ang kalikasan.


Samantala, nagbabala rin ang grupo hinggil sa pagsisiga at pagtatapon ng mga basura kung saan-saan na magreresulta sa polusyon.


Simple lang naman ang hiling ng grupo —maging malinis ang halalan. Kumbaga, walang nakakalat na campaign paraphernalia sa mga daan sa huling araw ng kampanya hanggang matapos ang halalan.


Kaya pakiusap sa lahat, kung kinaya nating magkabit ng mga tarpaulin o posters at mamigay ng iba pang materyales para sa kampanya, dapat kayanin din nating tumalima sa mga utos at pakiusap.


Ang panawagan ay hindi lamang para sa mga kandidato kundi para sa lahat. Kung may malasakit tayo sa bayan, ‘di natin dapat kalimutan ang kalikasan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page