top of page

Kung may konkretong military relationship ang ‘Pinas at Japan, ‘di matatakot ang mga Pinoy sa Tsino

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2023
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | February 12, 2023


MARAMI ang natutuwa sa 5-day official visit ni PBBM sa Japan.


Magpapasigla raw kasi ito sa ekonomiya ng bansa.


◘◘◘


PASISIGLAHIN na lamang ang matagal nang relasyon ng dalawang bansa.


Inaasahan na magbubunga ito ng 10,000 aktuwal na trabaho.



◘◘◘


SA totoo lang, mas dapat ituon ng Pilipinas ang relasyon sa Japan kaysa sa China. Dapat ay magkaroon ng konkretong trade partnerships ang Japan at Pilipinas.


Pero, bakit tila mas nakahapay ang Pilipinas sa China kaysa sa Japan?



◘◘◘


ISANG industriyalisadong bansa ang Japan at kapos sila ng skilled workers at working citizens dahil pinigilan nila ang paglaki ng kanilang populasyon.


Dapat ay bigyang-laya ang mga LGU na direktang makipag-ugnayan, makipagnegosasyon sa mga mauunlad na siyudad sa Japan.


◘◘◘


PASIGLAHIN din ang educational exchange scholarship sa kabataan upang magbalikatan sa pagpaparami ng skilled workers at ekspertong magagamit sa modernisasyon.


Hayaan ang mga Japanese na magnegosyo sa Pilipinas imbes na puro Tsino lamang.


◘◘◘


HIGIT na malinis at malulusog ang mga Japanese kumpara sa mga burara at salaulang Tsino.


Natututo ang mga Pinoy sa kalinisan dahil sa mga Japanese, na isa na nilang katutubong kultura.


◘◘◘


HINDI lang dapat minsanan ang pagbisita ni P-BBM sa Japan, puwede rin niyang dalasan ang pagdalaw sa Tokyo.


Ito ay upang mapagtibay ang relasyon ng dalawang bansa.


◘◘◘


KUNG pinahihintulutan ang mutual military relation sa U.S, bakit hindi direktang makipagkasundo ang Pilipinas sa Japan kaugnayan ng relasyong military?


Ibig sabihin, sakaling may konkretong relasyon ang Pilipinas sa Japan kaugnay sa military partnership, hindi na matatakot ang mga Pinoy sa nambubruskong Tsino.


◘◘◘


MAY dalawang bansa na aalalay sa Pilipinas sa pagpapatrol sa mga karagatang sakop ng ating soberanya.


Puwedeng isabay dito ang malawakang scientific research sa energy resources mula sa karagatan, partikular ang may kaugnayan sa deuterium o hydrogen fuel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page