top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kung may kickback sa bakuna, may tongpats naman sa gambling lords?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 20, 2021



IBINULGAR NI LACSON NA MAY MGA NAG-ATTEMPT MAGKA-KICKBACK SA BAKUNA—Ang paniniwala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay may mga nag-attempt na maka-kickback sa pagbili ng bakuna kaya overpriced sa presyong P3, 629.50 ang itinala sa made in China na Sinovac na isinumite sa Senado, imbes na P650 lang sa totoong presyo nito sa merkado.


Mabuti na lang, isinapubliko ng Indonesia ang halaga (P650) ng pagkakabili nila sa kada dose ng Sinovac kasi kung hindi, sa gitna ng pandemya ay bilyun-bilyong pisong kickback ang pinagparte-partehan ng mga buwaya sa pamahalaan, period!


◘◘◘


LAKI NG IPINATONG, P3-K KADA DOSE TAPOS GUSTO NI DUQUE PAGKATIWALAAN ANG GOBYERNO—Ayon kay Sec. Francisco Duque III, dapat pagkatiwalaan ng mamamayan ang gobyerno sa isyu ng pagbili ng bakuna dahil interes ng publiko ang isinasaalang-alang ng pamahalaan.


Ganu’n? P3-K ang ipinatong sa presyo ng pagbili ng Sinovac na 50% lang ang efficacy, na kung hindi pa nagreklamo ang mamamayan at hindi isinapubliko ng Indonesia ang halaga ng pagkakabili nila nito ay hindi pa sasabihin ng pamahalaan na P650 lang pala presyo nito, tapos gusto ni Duque, pagkatiwalaan ang gobyerno sa pagbili ng bakuna? Boom!


◘◘◘


KUNG MAY GUSTONG MAGKA-KICKBACK SA BAKUNA, SA PNP, MAY TUMATANGGAP NA NG TONGPATS—Kung sa pagbili ng bakuna ay may gustong magka-kickback, sa Philippine National Police (PNP) naman ay may mga kumikita na sa “tongpats”.


Patuloy kasi ang paggamit nina “Madam Reyna” at “Cesar Pilosopo” sa pangalan ni NCRPO Director, Gen. Vicente Danao at ng isang alyas Adlawun sa pangalan naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa panghihingi ng “tongpats” sa mga gambling lords sa Metro Manila.


At ayon sa impormasyon, higit P3-M daw kada linggo ang koleksiyon ng mga tongpats collector na ito sa mga ilegalista, buwisit!


◘◘◘


IMBES NA MAWALA ANG ILLEGAL GAMBLING LALO PANG DUMAMI, IMBES NA IPAHULI ANG MGA TONGPATS COLLECTOR, SINAS AT DANAO, DEDMA LANG—Pagkapuwesto ni Sinas bilang PNP chief, utos niya hulihin ang lahat ng mga gambling lord, at pagkapuwesto rin ni Danao sa NCRPO, direktiba niya sa mga pulis, “no-take policy” sa mga ilegalista.


Ang masaklap, imbes na mawala ay lalong dumami ang illegal gambling, at imbes na ipahuli, dedma lang sina Sinas at Danao sa mga nanghihingi ng “tongpats”, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page