top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kung matatag ang agrikultura, mas magiging matatag ang ekonomiya

BULGAR
Oct 24, 2022
1 min read

@Editorial | October 24, 2022


Tinupad na ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. ang isa sa kanyang mga pangako noong unang State of the Nation Address (SONA).


Ito ay matapos niyang lagdaan ang Executive Order No. 4 na nagbibigay ng moratorium sa pagbabayad ng amortisasyon at interes sa lupang sakahan.


Ayon sa Department of Agrarian (DA), mahigit kalahating milyong agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang inaasahang makikinabang sa nasabing programa.


Tama lang na suklian ang mga magsasaka na lubos na naaapektuhan sa krisis na kinahaharap ng bansa.


Sa pamamagitan ng nasabing moratorium, mabibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na makabawi.


Samantala, alinsunod sa programang pang-agraryo, ganap nang may-ari ng lupa ang 68 magsasaka mula sa Negros Occidental matapos silang gawaran ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng certificates of land ownership award (CLOAs).


Nasa 13.39 ektarya ng lupang pang-agrikultura mula sa bayan ng Enrique B. Magalona ang iginawad sa 36 agrarian reform beneficiaries (ARBs).


Nasa pitong ektarya naman mula sa bayan ng Manapla para sa 15 ARBs, at 17 ektarya mula sa lungsod ng Silay ang napunta sa 17 ARBs.


Umaasa tayong ito na ang simula ng mas mabilis na pagbangon mula sa pandemya, kalamidad at krisis.


Kung nais nating magkaroon ng matatag na ekonomiya at sapat na suplay ng pagkain, alagaan at suportahan natin ang mga magsasaka. Tutukan natin ang agrikultura.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page