top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

Kung kelan may 2 anak na raw… KYLIE, UMAMING NANGONGOLEKTA NGAYON NG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 57 minutes ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 2, 2026



BULGARY - KYLIE, UMAMING NANGONGOLEKTA NGAYON NG LALAKI-IG _kylienicolepadilla

Photo: IG _kylienicolepadilla



Aminado si Kylie Padilla na ilang lalaki ang kasalukuyang nanliligaw sa kanya. Nagulat din umano ang aktres sa atensiyong natatanggap niya ngayon kung kelan may 2 anak na siya. 


Sa report ng GMA morning program na Unang Hirit (UH), pabirong sinabi ng aktres na tila sinusunod na niya ngayon ang kasabihang “Collect then select.”

“Alam mo ‘yung saying na, ‘Collect then select?’ Finally, I’m doing it, charot! At this age, nagulat din ako,” ani Kylie.


Hindi naman nagbanggit si Kylie ng pangalan ng mga manliligaw niya at hindi rin niya sinabi kung mayroon na siyang napipisil.


Samantala, naging interesado rin ang ilang fans sa mga Korean friends ni Kylie na nakakasama niya sa kanyang mga live-streaming session. Dahil sa kanilang magaan na pakikitungo sa isa’t isa, may ilang viewers na nag-isip kung may posibilidad na maging romantic ang kanilang closeness. 


Well, nilinaw ni Kylie na magkakaibigan lamang sila. Aniya, ginagawa lamang nila ang mga livestream para mag-entertain ng kanilang mga followers. 


Hiniling din ng aktres na huwag munang lagyan ng love angle ang kanyang closeness sa mga Korean friends.


Samantala, patuloy namang sinusuportahan ng mga manonood ang tambalan nina Kylie at Luis Hontiveros sa action-drama series na Taskforce Firewall (TF).


Gumaganap si Kylie bilang si Isa, habang si Luis naman ay si Martin. Marami sa kanilang mga eksena ang nakakuha ng positibong reaksiyon mula sa mga viewers dahil sa chemistry ng kanilang mga karakter.


Pinag-uusapan umano nila ang mga eksena upang maging mas kapani-paniwala ang kanilang tambalan.





IBINAHAGI ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram (IG) Stories ang isang espesyal na moment kasama ang kanyang mga kaibigang matagal na niyang nakasama sa iba’t ibang yugto ng buhay.


Ang caption ng post niya: “Mommy na kaming lahat! Shoutout sa isang buntis at ‘yung dalawa na nasa States na wala sa video. Hehehe!”


Sinabi ni Alex na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong 2003, noong high school at college pa sila. Ngayon, magkakasama na silang humaharap sa panibagong yugto ng buhay bilang mga misis at ina.


Sey niya, “Ultimate luxury is having friendships that grow with you. From high school and college to becoming wives and now moms, we’ve been navigating life together since 2003.”


Mas naging espesyal para kay Alex ang moment na ito matapos nilang magkaroon ng unang anak ni Lipa Vice-Mayor (VM) Mikee Morada.


Sa loob ng maraming taon, magkakasama ang magkakaibigan sa mahahalagang milestones sa kanilang buhay, pati na rin sa mga heart-to-heart talks at mga pangarap.


Maraming celebrity friends at libu-libong netizens ang nag-like at nag-iwan ng masasayang mensahe sa post.


Komento ng mga netizens…


“Same girls, just with babies now. Love you all. Thank you, Lord.”

“Congrats, Mommy and Daddy Morada. Sobrang iyak ko nu’ng narinig ko si baby na umiyak. I’m so, so happy for you, guys! Love you, Mama and Dada.”

“Excited to see our inaanak ng bayan.”


“Grabe, Alex. First time ko kayong napanood with your friends back 2019 nu’ng nagta-travel kayo nu’n sa mga vlogs mo, and now lahat kayo, certified mothers na. Mabuhay ang mga ina.”


Congrats, Alex!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page