Kung kay Ion, branded gym bag…

VICE, ROLEX WATCH, DIAMOND EARRINGS AT BRACELET ANG X'MAS GIFT SA MADIR, UTOL AT PAMANGKIN
Julie Bonifacio - @Winner | January 8, 2021

Speaking of 'plantito,' bonggang "tito" pala ang Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda.
Sa kanyang vlog during his pa-Noche Buena with his family, nagulat ang kanyang niece sa Christmas gift ng kanyang Tito Vice for her.
Sa umpisa ay inakala ng niece ni Vice na isang box ng panty lang ang laman ng gift. Pero pinuri naman ang niece ni Vice ng netizen sa pag-appreciate niya ng "little something" ng kanyang tito.
Nagulat siya nu'ng makitang isang pair of diamond earrings pala ang laman ng box ng panty.
Sumunod na binigyan ni Vice ng gift ay ang kanyang nephew na nu'ng una ay medyas lang ang regalo rito ni Vice. May nakaipit din na box sa dalawang pairs ng medyas na ang laman ay white gold bracelet.
Diamond earrings din ang regalo ni Vice sa kanyang sister na EENT doctor sa Delos Santos Medical Memorial Hospital na si Dr. Tina Viceral.
Pero pinakabongga ay ang Christmas gift ni Vice sa kanyang Mommy Rosario, walang iba kundi ang Rolex watch!
Present din sa Noche Buena sa bagong valour (bahay) ni Vice ang anak-anakan niya sa showbiz na si Ryan Bang na binigyan niya ng Gucci bag.
Ang mamahaling Yves Saint Laurent gym bag naman ang gift ni Vice sa dyowa niyang si Ion Perez.
Kasabay ng bonggang Media Noche ng pamilya ni Vice ay ang iba pang close friends na komedyante at ang designer na si Paul Cabral. Plus, ang mga kasambahay, drivers at iba pa niyang staff sa bahay nu'ng Christmas eve with napakasosyal na catering, hah?
Anyway, sa episode ng It's Showtime kahapon (Huwebes) ay napa-wow ang mga kasamahang hosts ni Vice na sina Vhong Navarro, Amy Perez, Karylle, Jhong Hilario, Jugs and Teddy and Kim Chiu nu'ng papurihan ng Unkabogable Star ang kanyang dyowa na si Ion sa Hide and Sing portion ng Kapamilya noontime show na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z Channel 11 at digitalized Channel 20, at 12 PM.
Pinanindigan kasi ni Ion ang hula niya na ang celebrity singer sa tatlong 'tago-kanta' choices ay si Faith Cuneta.
Bumilib ang mga hosts ng It's Showtime kay Ion na tama ang hula niya.
Say ni Faith when she had the chance to greet It's Showtime hosts at ang madlang pipol, "I waited 11 years to guest here."
Going back to Vice and Ion, sinabi ni Unkabogable Star na siya rin daw ay bilib sa dating 'Mr. Escort' ng It's Showtime dahil sa paninindigan nito.
"Ang galing manindigan n'yan. Hello! Pinanindigan nga ako n'yan, eh. Sabeee?!" kinikilig na hirit ni Vice.
Kinilig naman siyempre ang mga kasamang hosts ng magdyowa sa sinabi ni Vice.





Comments