top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung joke lang pag-endorso ni P-Duterte sa Ilokanong Presidente, baka magalit mga Ilokano

BULGAR
Mar 11, 2022
2 min read

at ilaglag si Sara


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 11, 2022


BAKA MALAGLAG SA SOLID NORTH SI SARA – Sinabi ni PCOO (Presidential Communication Operations Office) Sec. Martin Andanar na wala pa raw ineendorso sa pagka-presidente si P-Duterte at hindi raw totoo na ineendorso na ng Presidente si BBM, (Bongbong Marcos) dahil ang totoo raw ay joke lang daw ng Pangulo ang sinabi nito na ang iboto at ang ipalit sa kanya sa Malacañang ay kandidatong Ilokano.


Naku, eh baka dahil sa sinabing 'yan ni Andanar ay magalit ang mga Ilokano, at kay Sara mag-boomerang ito, na baka ilaglag nila sa “Solid North sa pagka-bise presidente si presidential daughter Sara Duterte, boom!


◘◘◘


HABANG ISINUSULONG NI MARCOS ANG BBM-SARA, MAY DIKIT KAY P-DUTERTE NA NAGSUSULONG NAMAN NG ISKO-SARA – Isinulong ni actress Vivian Velez ang tambalang presidential candidate Mayor Isko Moreno at vice presidential candidate Mayor Sara Duterte sa Metro Manila.


Iyan din ang tandem na isinulong ng pamilya Mangudadatu sa Mindanao at Isko-Sara tandem din ang ikinakampanya ng mga DDS (Duterte Diehard Supporters) na kasapi ng MRRD-NEC (Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Council).


Sa totoo lang, parang agrabiyado si Marcos sa isyung 'yan, kasi habang isinusulong niya ang BBM-Sara tandem, ay may mga tao at grupo na supporters ni P-Duterte, tatay ni Sara, ang nagsusulong naman ng Isko-Sara tandem, period!


◘◘◘


SINO'NG MANANALO SA MGA 'MANOK' SA PAGKA-PRESIDENTE NG MAGTIYUHING ROBIN AT DANIEL PADILLA? –Nagpakita na ng suporta ang young actor na si Daniel Padilla sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice Pres. Leni Robredo, at sa kabilang banda naman ay nakasuporta ang tiyuhin niyang si senatorial candidate, action star Robin Padilla kay BBM.


Sa mundo ng pulitika, makikita na magkakaiba ang paniniwala ng magkakamag-anak na artista sa pagpili ng susunod na pangulo ng bansa.


Sino kaya ang magwawagi sa pagka-presidente, ang 'manok' ni Daniel Padilla o ang manok ni Robin Padilla? Abangan!


◘◘◘


IBANG KAPAMILYA RAW NI CONG. REMULLA, KAKAMPINK – Sablay ang tirada ni Cavite 7th Dist. Rep. Crispin 'Boying' Remulla na mga hakot at bayaran daw ang libo-libong dumalo sa political rally ni VP Leni sa Cavite.


Kaya sablay, kasi matapos magngangawngaw nii Cong. Remulla, ay may nagba-viral ngayon sa social media na larawan ng mga kapamilya raw niya na nakasuot ng pink na dumalo sa kakampink political rally bilang pagpapakita ng suporta kay VP Leni.


Ang nais nating ipunto rito ay fake news ang inginangawngaw ni Cong. Remulla, kasi imposible namang magpahakot at magpabayad ng tig-P500 ang mga sinasabing kapamilya niyang ito para lang dumalo sa political rally ni VP Leni, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page