Kung hindi matitigil ang STL-con jueteng, dapat gobyerno na ang mag-operate, hindi jueteng lords
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 3, 2022
NAG-START ANG STL-CON JUETENG NOONG PANAHON NI GMA, NA-STOP NOONG PANAHON NI P-NOY AT NAG-OPERATE ULIT SA PANAHON NI DUTERTE—Ang STL (Small-Town Lottery) ay nag-umpisang mag-operate sa Pilipinas noong 2006, sa panahon ni dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo, Base sa kasunduan ay magbabayad ng 10% stamp tax sa pamahalaan ang mga gambling lords sa araw-araw na kita ng sugal, pero noong panahon ni former Pres. Noynoy Aquino ay nabulgar na karamihan sa mga STL-con jueteng operators ay hindi nagbabayad ng tamang tax sa gobyerno at ginagawa pang front ng jueteng ang STL, kaya't noong 2012 ay pina-stop na ng administrasyong Aquino ang operasyon ng STL, pero nang maging pangulo si P-Duterte, nagbalik ulit ang operasyon ng STL at ang matindi, naging makapangyarihan na ang mga jueteng lords na nagmamay-ari ng STL, pinayagan sila ng Duterte administration na mag-operate sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad kahit walang permit mula sa mga Local Government Units.
◘◘◘
TALO ANG GOBYERNO SA PARTEHAN NG KITA SA STL, PALAGING LAMANG SA KITA ANG GAMBLING LORDS—Sa panahon ni ex-P-Duterte ay nagkamal nang todo ang mga gambling lords na operators ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng dahil binigyan sila ng permiso ng administrasyong Duterte na mag-operate ng ganitong uri ng sugal sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad kahit walang permit mula sa LGUs. Sa totoo lang, talo ang gobyerno sa partehan sa kita sa STL-con jueteng kasi 10% stamp tax ang napupunta sa pamahalaan, at ang nalalabi ay sa gambling lords na kung ayaw ipatigil ng Marcos administration ang STL-con jueteng, dapat gobyerno na ang magpatakbo ng sugal, tulad ng sweepstakes at lotto na pamahalaan ang nag-o-operate at alisin na sa mga gambling lords ang pamamahala ng STL-con jueteng.
◘◘◘
ISANG ARAW MATAPOS SABIHIN NG ICC NA TULOY ANG KASO VS. EX-P-DUTERTE, NAGSIPSIP NA KAY P-BBM ANG DATING PANGULO—Matapos ianunsyo ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan noong September 28, 2022, na tuloy ang imbestigasyon nila sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pres. Rodrigo Duterte at sa iba pang sangkot sa EJK sa bansa ay kinabukasan, September 29, 2022 ay sinabi ni ex-P-Duterte na ang partido niyang PDP-Laban ay full support sa administrasyon ni P-BBM.
Ano 'yan, paninipsip kay PBBM para kung sakaling magpalabas ng warrant of arrest ang ICC laban sa grupo ni ex-P-Duterte ay dedmahin lang ito ng Marcos administration?
Kaya natin nasabing tila paninipsip kasi noong campaign period ay hindi nagpahayag ng suporta si ex-P-Duterte sa kandidatura ni P-BBM, panay pa ang atake, na ayon pa sa dating presidente ay "weak leader" si Marcos, pero ngayon ay matapos ihayag ng ICC na tuloy ang kanilang imbestigasyon, nag-iba na ihip ng hangin, mismo si ex-P-Duterte na ang nagsabi, full support ang partido niyang PDP-Laban kay P-BBM.
◘◘◘
HUWAG SANAYIN SA CONFIDENTIAL FUNDS ANG OVP AT DEPED SEC.—Sabi ni Senate minority leader Sen. Koko Pimentel ay ilagay na lang sa ibang pagkakagastusan ng pamahalaan ang hinihinging confidential fund ni Vice-Pres, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio na P500 million confidential fund sa Office of the Vice-President) at P150 million confidential fund sa Office of the DepEd secretary kasi hindi naman talaga binibigyan ng confidential fund ang mga opisinang ito.
Ayon pa kay Pimentel, hindi dapat sanayin ang OVP at DepEd sec. na may confidential fund kasi kapag ibinigay ito ng mga kapwa niya mambabatas, ay magtutuluy-tuloy na 'yan, na yearly ay palaging hihingi ng confidential fund ang OVP at DepED sec.





Comments