Kung 'di dumating si Ryan… JUDAY, HANDA NANG MAGPABUNTIS NOON KAHIT WALANG ASAWA
- BULGAR

- Oct 15, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 15, 2020

Sa interview kay Judy Ann Santos ni Luchi Cruz-Valdes sa Usapang Real Life, nabanggit nito na dahil hindi na siya naniniwala na makakahanap ng true love noon, ginusto na lang niyang magka-baby kahit hindi na siya magkaasawa.
“Nakaplano na ako nu’n, eh. Kasi nga, feeling ko, wala namang lalaking seseryoso sa akin. So at 23, nagdarasal na ako. Sabi ko, ‘Lord, sana at 26, magka-baby na ako.' Parang ang dasal ko nu’n, magka-baby na lang ako regardless sa kahit anong paraan... Basta sabi ko, 'Lord, ikaw na po bahala. Sana at 26, magka-baby na ako,'” pahayag ni Judy Ann.
Well, mahal ng Diyos si Judy Ann dahil nagkaaasawa ng mabait na si Ryan Agoncillo at ngayon, may tatlo pa silang mababait at magagandang anak.





Comments