top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Kung dati, todo-bigay nu’ng sila pa ni Daniel… KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 2, 2026



TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix

Photo: FB Netflix



May ilang viewers ng Someone, Someday (SS) ang nakapansin na mukhang wala sa mood umarte si Kathryn Bernardo. Hindi raw nito sineseryoso ang kanyang role na ginagampanan na parang hindi siya motivated at hindi nag-e-effort sa kanyang pag-arte. Kaya labis itong pinagtatakhan ng mga nakasubaybay sa career ng aktres. 


Sa mga nakaraang roles na kanyang ginampanan sa mga ginawa nilang projects noon ni Daniel Padilla ay ramdam ang dedikasyon niya sa kanyang trabaho. All-out ang kanyang acting.


Pero sa SS, ordinaryong acting lang daw ang kanyang ibinibigay. 

May problema kaya si Kathryn kaya wala siya sa mood na umarte? Baka naman nabe-burnout na siya sa trabaho at physically drained na?


Kailangan siguro ng aktres na magpahinga muna at mag-recharge ng energy. 

At this point of her career, puwede naman niyang gawin ito, humingi ng break sa trabaho. Milyones naman na ang kanyang kinita.





Tiyak na magre-react ang mga fans ni Bimby Aquino sa hula sa kanya ng isang sikat na psychic na hindi siya sisikat nang husto sa showbiz. Hindi raw niya mapapantayan ang kasikatan ng kanyang mom na si Kris Aquino, at mas susuwertehin daw ito kung sa negosyo at ibang larangan na lang papasok.


Magiging pansamantala lang daw ang kainitan ng tandem nina Bimby at Ryzza Mae Dizon.


Well, for sure, hindi ito madaling tatanggapin ni Kris. Si Bimby ang inaasahan niyang papalit sa kanya at magtutuloy ng kanyang legacy sa showbiz. Lahat ay gagawin niya upang sumikat ang anak. Handa niyang gastusan at tulungan si Bimby upang magkaroon ng magagaling na mentors.


Pero marami ang nagsasabing mas okay maging public servant si Bimby kapag tumuntong na siya sa tamang edad. Siya ang magtutuloy ng legacy ng kanyang lola, si the late President Corazon Aquino, at ng kanyang Tito Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.





Anak ni Janice, ‘di pa pang-forever…

KAILA, BUBUNTISIN LANG DAW NI DANIEL, ‘DI PAKAKASALAN



MARAMING fans ang naghihintay na lamang sa announcement nina Kaila Estrada at Daniel Padilla sa kanilang pagpapakasal. Halos hindi na sila nagkakahiwalay at nakikita ngayong nagbabakasyon abroad. 


Kunsabagay, pareho nang nasa tamang edad sina Kaila at Daniel at nakapundar na ng mga properties.


Wala ring problema sa mga magulang ng aktres dahil sabi nga ni Janice de Belen, may tiwala siya sa kanyang mga anak. Hindi niya hahadlangan ang kanilang mga plano sa buhay basta ang mahalaga, maligaya ang mga ito.


Okey kay Janice kung gugustuhin nang magpakasal nina Kaila at Daniel.


Pero may nakakaintrigang hula umano ang tarot card reader na si Jovi Vargas tungkol sa relasyon nina Kaila at Daniel. Hindi raw mauuwi sa kasalan, pero mauunang magkaroon ng anak.


Para sa mga fans, hindi ito kapani-paniwala at hindi katanggap-tanggap, kaya ang hulang ito ay kanilang tututukan.





IKINATUTUWA ng mga viewers ng afternoon soap na Born to Shine (BTS) ang pagtawid ni Sanya Lopez sa serye bilang guest. Bukod dito, gabi-gabing mapapanood ang aktres sa rerun ng seryeng First Yaya (FY).


Pinaghandaan ng aktres ang kanyang guesting upang magmarka sa kanyang mga tagahanga.


Samantala, ang Korean actor na si Kim Ji-soo ay magge-guest sa Taskforce Firewall (TF). Gaganap siya bilang si Dong Hyun, na isa sa mga kalaban ng Firewall agents.


Mukhang nag-e-enjoy na ang aktor sa ‘Pinas at ayaw nang bumalik sa South Korea, lalo na ngayong excited siya sa bago niyang role bilang kontrabida.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page