top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung dati, salon lang ang negosyo… VINA, PROUD NA TINDERA NA RIN NG SUKA, BAGOONG, ETC.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 26, 2020




Ang pagnenegosyo ng magulang ang nakagisnang buhay ni Vina Morales noong nasa Bogo, Cebu pa sila, kaya nang makaipon ng pang-kapital ay itinayo nila ng Ate Sheila Magdayao niya ang Ystilo Salon na 22 years na at may 27 branches at patuloy na matatag kahit na maraming salon na ang nagsulputan ngayon.


Kaya namin ito binanggit ay dahil hindi na bago sa amin na nagbukas ng bago niyang negosyo si Vina. Yes, nagbebenta siya ngayon ng suka, daing, tuyo, bagoong at peanut butter base na rin sa post niya sa Instagram account.


Sabi nga ng singer-actress, “Bata pa lang ako, mahilig na po talaga akong mag-isip at gumawa ng negosyo. Naniniwala ako na maliit man o malaki na negosyo, kita pa rin ‘yun at makakatulong pa rin sa ating kabuhayan.”


Sa mga vlogs ni Vina ay tinawag niya ang sarili bilang si Inday Beena kaya naman ito rin ang inilagay niyang sticker sa mga paninda niya.


Hindi naman itinanggi ng singer-actress na apektado sila ng pandemya bukod pa sa wala siyang regular shows ngayon sa ABS-CBN na mabuti na lang at may guestings siya sa NET 25.


Ayon sa Ate Sheila ni Vina ay solong negosyo ito ng kapatid.


“Ay, solo niya ‘yun, hindi kami sosyo. I think inaayos pa niya ‘yun, kakasimula pa lang.”


May video post si Vina na siya mismo ang nagsasalin ng sukang timplado sa mga boteng long neck mula sa malaking kaldero at tinawag niyang Sukang Binisaya.


Aniya, “I love to do business po small or medium po. Masipag po ako. Pasensiya na, hindi na puwedeng ilagay ang ‘Pinakurat’ word sa business. Let’s change po. Sabi ni Atty. Lucille, ‘Sukang Binisaya’ na lang. Let’s use that po.


“Sa lahat na, hindi puwede mag-mention ng Pinakurat sa business nila po. Ayaw ko ng issue. Maliit na bagay lang po ang Pinakurat, basta INDAY BEENA’S BEST po tayo.


“Sa mga mahilig magnegosyo katulad ko, available na po ang INDAY BEENA’S BEST PRODUCTS. Lahat po eto ay gawa namin with Love."


Tumatanggap na rin daw sila ngayon ng mga distributors at para sa mga nagtatanong kung paano, i-follow lang ang socmed account ng Inday Beena's Best.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page