top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung dati raw, hinahangaan niya… ENCHONG, IPINAGSIGAWANG HINDI NA BILIB SA MGA CAYETANO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 15, 2020




Kung si Arjo Atayde, nag-react ng “Dada nang dada...mauna ka” sa pahayag ni Sen. Bato dela Rosa na “Hanap ng ibang trabaho para mabuhay, magsumikap, may ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo. Hanap ng ibang jobs,” kaugnay ng pagpapasara sa ABS-CBN, si Enchong Dee naman ay si Presidential Spokesman Harry Roque ang sinagot sa naging pahayag nitong, “Maski po tayo manghinayang, eh, tapos na po ang boksing. At dumaan na po sa proseso, sang-ayon sa Saligang Batas. Wala na po tayong magagawa. Let’s move on,”


Sabi ni Enchong, “@attyharryroque You disgust me. Alam ko makikita mo 'tong tweet na 'to because you follow me. Sayang ka” at para nga masiguradong mababasa ni Atty. Roque ang tweet niya, itinag niya ito.


May kasunod pa, ini-retweet din ng aktor ang post ng isang Kapamilya viewer na photos nina Senator Pia Cayetano, Speaker of the House Alan Peter Cayetano, Congw. Lani Cayetano at Taguig Mayor Lino Cayetano.


Ang tindi ng sinabi ni Enchong na “I used to admire these people.”


Ano kaya ang masasabi ng mga Cayetano sa sinabing ito ni Enchong at marami pala ang katulad ng aktor na nagbago na ang pagtingin sa mga Cayetano?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page