top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung ang tone-toneladang shabu naipupuslit, bakuna kontra COVID-19 pa kaya, buwisit!!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 31, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 31, 2020



NALAMANGAN NG GOV’T. OFFICIALS ANG MAMAMAYAN SA BAKUNA—Bukod sa mga sundalo ng PSG (Presidential Security Group) at PA (Philippine Army), ang paniniwala ni ex-Sen. Antonio Trillanes III ay nagpabakuna na rin si P-Duterte at mga miyembro ng Gabinete, at dahil d’yan, binatikos ng senador ang Malacañang dahil mas inuna pa raw ng mga ito na iligtas sa virus ang kanilang sarili kaysa sa mamamayan.


May punto si Trillanes na batikusin ang tropang Duterte kasi kung ang gobyerno ng ibang bansa ay kaligtasan ng kanilang mamamayan ang iniisip, eh, sa ‘Pinas ay panlalamang sa mga Pilipino sa isyu ng pagbabakuna ang ginawang diskarte ng pamahalaan, boom!


◘◘◘


NANIWALA ANG MGA PINOY SA ‘WE HEAL AS ONE’ LABAN SA VIRUS, TAPOS NAIWAN ANG MAMAMAYAN SA PAGBABAKUNA—Nang kumalat na sa mundo ang COVID-19 ang ginawang slogan ng Duterte gov’t. sa laban ng mga Pilipino kontra COVID-19 ay “We Heal As One”.


Paniwalang-paniwala naman ang mga Pilipino sa “We Heal As One” na ‘yan, ‘yun pala, nang magkaroon na ng bakuna ay maiiwan ang mamamayan sa pagbabakuna kasi bukod sa mga sundalo, naunang pasikretong nagpabakuna ang mga high ranking officials ng Duterte gov’t., buwisit!


◘◘◘


KUNG ANG TONE-TONELADANG SHABU AY NAIPUPUSLIT PAPASOK SA ‘PINAS, ANG BAKUNA PA KAYANG PANTUROK SA MGA GOV’T. OFFICIALS?—Dahil wala silang alam na nakapasok sa bansa ang Sinopharm vaccines, sa tema ng salita ni FDA (Foods and Drugs Administration) Director General Eric Domingo ay tila naipuslit lang ito papasok sa Pilipinas.


Dapat pa bang i-memorize ‘yan, kung ang tone-toneladang shabu na galing China ay nakakapuslit papasok sa ‘Pinas, eh, ang bakunang de-kalidad na pangturok sa tropang Duterte pa kaya ang hindi maipuslit, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page