Kung ang mga Kapamilya, nagluluksa… JESSY, BABU SA DOS, PROUD NA MAY SHOW NA SA TV5
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | July 17, 2020

Nasagot na ang tanong ng mga nakabasa sa post ni Jessy Mendiola na “Can’t wait for my new show to come out! Abangan.”
Ang tinutukoy ni Jessy ay isang cooking show sa TV5. Ibig sabihin, marunong magluto ang GF ni Luis Manzano.
Malulungkot nito ang Kapamilya fans na umasang hindi aalis sa ABS-CBN si Jessy at sa Kapamilya Network pa rin siya patuloy na mapapanood.
Pero dapat isipin ng mga fans na kailangan ding magtrabaho ni Jessy at kung si Luis, naintindihan siya, bakit hindi siya maiintindihan ng mga fans?
Hindi lang kami sure kung station produced o blocktimer ang producer ng cooking show ni Jessy. Malalaman natin ang details nito sa launching ng TV5 na ang dinig namin ay sa July 20 na. Baka ru'n ilalatag ng TV5 ang mga shows nila na mapapanood at aabangan ng mga viewers.
Sa latest post ni Jessy, bago ang hairstyle niya, paghahanda na siguro ito sa gagawing show sa TV5.





Comments