top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kung ang mga drug dealers nagtatago, mga korup sa pamahalaan, tamang FB live lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2020
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 29, 2020



Limang agencies daw ang batbat ng korupsiyon.


Koreksiyon, lahat ng ahensiya ay batbat ng korupsiyon!


◘◘◘


Mula barangay, munisipalidad, siyudad, lalawigan at rehiyon—ay batbat ng korupsiyon.

Ito ay dahil sa “pork barrel scheme” na ginawang moral.


Ibig sabihin, ang “gugulin” ng gobyerno mula sa barangay hanggang nasyunal, dapat busisiing mabuti!


◘◘◘


Ang lahat ng LGUs ay dapat isalalim sa malawakang “auditing”.


‘Yan ang simula ng aktuwal at seryosong anti-corruption campaign!


◘◘◘


Alam ni P-Digong na talamak ang korupsiyon sa mga LGUs dahil siya ay dating mayor.


Hindi siya dapat natutulog ngayon—kung totoong seryoso siya na labanan ang korupsiyon!


◘◘◘


Bilyones o trilyones ang ninanakaw sa lahat ng antas ng gobyerno.


Ang masasagip na trilyong piso mula sa korupsiyon—ay sobra-sobra nang itustos para sa 2021 budget!


◘◘◘


Tama si P-Digong, dapat tutukan ang anti-corruption dahil kakapusin na ng cash ang gobyerno pagsapit ng 2021 at 2022.


Pero, kapag nabantayan ang LGUs at lahat ng departamento—hindi na kailangan mangutang ng Duterte administration!


◘◘◘


Dapat magsampol si P-Digong ng ala-tokhang.


Ilantad agad ang “pangalan” ng mga suspected “corrupt” sa pamahalaan ala-suspected drug peddlers!


◘◘◘


Agad suspendihin ni P-Digong ang mga executives at lawmakers na sangkot sa katiwalian.


Kapag araw-araw ay nagsususpinde ng gobernador, mayor at barangay executives si P-Digong biglang titino ang pamahalaan!


◘◘◘


Mas magaan ang anti-corruption campaign kaysa anti-illegal drugs sapagkat nakalantad ang mga suspek at nasa loob ng pamahalaan.


Ang mga drug dealers ay nagtatago pero ang mga korup ay nagpe- “facebook live” lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page