top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Kung ang ibang ex-BF, 4 yrs… ARA, UMAMING 1 YR. LANG SILA TUMAGAL NI POLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 30, 2026



Ara Mina at Polo Ravales - IG

Photo: Ara Mina at Polo Ravales - IG



Hindi itinanggi ni Ara Mina na naging nobyo niya ang Kapuso actor na si Polo Ravales, pero mahigit isang taon lang daw tumagal ang kanilang relasyon. 


Ang aktor ang pinakamaikling romance ni Ara Mina. Ang mga una niyang relasyon ay tumagal nang four years o mahigit pa.


No regrets naman ang aktres sa naging relasyon nila ni Polo kahit hindi sila nagtagal. Pareho nilang desisyon ang maghiwalay.


Well, makulay ang love life ni Ara Mina dahil marami ring aktor ang nanligaw at naging karelasyon niya. Na-link din siya sa ilang pulitiko, pero sa isang businessman siya nagpakasal.


So far, tahimik ang buhay ni Ara Mina ngayon sa piling ni Dave Almarinez. Bukod sa kanyang career, may mga negosyo rin siyang inaasikaso. Very supportive naman ang kanyang mister sa lahat ng kanyang pangarap.



HINDI pala itinuloy ni Julia Barretto ang naging balak niya noon na ipabago ang kanyang apelyidong Baldivia at palitan ng Barretto. Pero mananatili pa rin ang kanyang screen name na Julia Barretto.


Well, good decision ito noon para kay Julia. Ngayon kaya ay gayahin ito ng kanyang kapatid na si Claudia?


Gusto nang papalitan ni Claudia ang dinadalang apelyido ng ama matapos ang controversial issue sa kanyang kasal kung saan hindi si Dennis ang gusto niyang magdala sa kanya sa altar kaya todo-post ang aktor sa socmed na sumama ang loob niya.


Well, pinupuri rin ng mga netizens ang pagbibigay-respeto ni Julia sa kanyang ama. Tutal, nagpakumbaba na rin si Dennis at nag-sorry sa kanyang mga anak sa mga pagkukulang bilang padre de familia. 


Sana, katulad ni Julia, maliwanagan din ang iba pa niyang kapatid.



SUCCESSFUL ang Primera Kontrabida post-birthday concert ni Gladys Reyes na ginanap sa kanilang events place, ang That’s Diner. 


Dumalo ang kanyang longtime non-showbiz friends, mga kamag-anak at loyal fans upang suportahan ang birthday concert ng aktres. 


Marami ang nagulat dahil keri pala ni Gladys ang mag-concert na solo lang siya kaya nag-enjoy ang lahat sa kanyang performance. 


Grabe ang energy niya sa kanyang pagkanta at pagsasayaw. Ang akala ng lahat ay sa pagganap lang ng kontrabida role magaling si Gladys, pero pinatunayan niya na magaling din siyang mag-concert.


Naghahanda na rin si Gladys para sa launching ng kanyang first single under Star Music, ang Primera Kontrabida. Excited siya sa bago niyang tatahaking career bilang recording artist.


Career-wise, napakasipag ni Gladys Reyes. Wala siyang tinatanggihang trabaho. Mabenta na rin siya sa mga shows abroad at kasama niya ang kanyang anak na si Christophe kapag nagso-show.



PARA sa amin, pasado si Shuvee Etrata sa kanyang acting na ipinakita sa seryeng The Master Cutter na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Max Collins. 


Cute ang mga eksena ni Shuvee with Natoy (Dingdong) na kanyang secret crush.

Puwede rin si Shuvee sa seryosong role dahil nakokontrol niya ang pagiging jologs at kikay. Kaya, puwede siya sa kahit anong genre. 


Ipagpatuloy lang ni Shuvee ang kanyang acting workshop upang mahasa nang husto sa kanyang pag-arte.


Samantala, maraming viewers ang nanghinayang dahil pinatay na agad ang role ni Lexi Gonzales bilang si Emma. Okey pa naman ang tandem nila ni Galo (Miguel Tanfelix).


Ang pagpasok kaya ni Kyline Alcantara sa TF ang dahilan kaya tsinugi ang karakter ni Lexi sa serye? 


Anyway, marami pang kaganapan ang mangyayari sa mga tauhan ng serye. Ang inaabangan ng lahat ay kung kailan mahuhuli ni Kylie Padilla ang pagtataksil ng kanyang mister.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page