Kung ang iba, wala… XYRIEL, TYPE NA TYPE NA MAY PAKI SA KANYA SI ANNE

ni Vinia Vivar @Frankly| September 19, 2026

Photo: IG _xyrielmanabat & _annecurtissmith
Hangang-hanga si Xyriel Manabat sa kababaang-loob ni Anne Curtis sa kabila ng popularidad na tinatamasa nito.
Ikinuwento ng dating child actress sa latest episode ng Ang Walang Kwentang Podcast (AWKP) ang kanyang malaking natutunan sa It’s Showtime (IS) host nang makatrabaho niya ito sa seryeng It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO).
Sa isang location taping daw ay nagkaroon ng instance na magka-share sila ng room ni Anne. Habang nagkukuwentuhan daw sila ng team ng aktres ay nakatulog siya.
“So backpack lang kami ru’n, so share kami ng room ni Ate Anne. Insomniac nga ako, tapos sa taping, du’n ako nakakahanap ng pahinga or tulog. Siguro, ‘yun din ‘yung way ko mag-escape sa hiya or sa anxiety.
“Tulog ako tapos s’yempre, Ate Anne na ‘yun—Anne Curtis na ‘yun, pinapatahimik n’ya ‘yung team n’ya,” tsika ni Xyriel.
Shocked daw siya nang marinig niyang pinatatahimik ni Anne ang team nito dahil natutulog siya. Sey pa niya, nagising siya actually nang mga oras na iyon, pero nahiya kaya natulog na lang siyang muli.
Dito niya nakilala kung gaano ka-considerate si Anne sa ibang tao, unlike some people na walang pakialam sa kapwa.
“Pag-uwi ko, bitbit ko ‘yun… Tumatak s’ya sa utak ko na grabe ‘no, si Ate Anne, may pakialam pa rin s’ya sa paligid n’ya kahit s’ya na ‘yun. Eh, ‘yung ibang tao nga, walang pakialam kung may nagpapahinga—magpapatugtog, magsisisigaw, or kahit nand’yan sa gilid mo na may nagpapahinga, ang ligalig. Ang insensitive at ‘di marunong makiramdam,” sey ni Xyriel.
“Grabe ‘yung humility. ‘Yun ‘yung nauwi ko from Ate Anne na ‘di n’ya kailangan i-impose sa ‘yo. ‘Di n’ya kailangang sabihin out loud or ituro sa ‘yo or i-chat sa ‘yo, makikita mo lang based from your observation and firsthand mo s’ya mae-experience kung gaano ka-humble si Ate Anne,” papuri niya sa fellow Kapamilya actress.
“Kahit ‘yung may pinakamaraming karapatang mag-diva, grabe ‘yung humility. Wala s’yang ere. ‘Yung iba kaya nang paliparin ‘yung hot air balloon sa ere, s’ya, wala talaga,” dagdag pa niya.
From TV anchor/reporter, level-up na si MJ Marfori ng TV5 dahil isa na siyang entrepreneur ngayon.
Katuwang ang tatlo pang pangalan mula sa fitness, lifestyle at real estate, sinubukan nilang pasukin ang patuloy na lumalaking health and wellness industry sa pamamagitan ng paglulunsad ng GUTTA GLOW, isang functional beverage brand na layong gawing mas simple, mas masarap at mas madaling isama sa pang-araw-araw na lifestyle ang wellness.
Bukod kay MJ, nasa likod ng brand sina dating TV5 co-anchor, commercial model at entrepreneur Marga Arenas Vargas; executive at reality show winner JR Marfori; at batang negosyante at luxury real estate broker na si Mikee Arenas.
Pinagsama-sama ng apat na founders ang kanilang magkakaibang karanasan sa media, fitness at wellness, lifestyle, hospitality at negosyo. Mahigit isang taon nilang binuo ang GUTTA GLOW katuwang ang mga eksperto sa industriya.
Iisa ang kanilang layunin—makalikha ng wellness products na masarap, madaling isama sa aktuwal na lifestyle at makapagbibigay ng magandang pakiramdam sa mga mamimili habang gumagawa ng mas mabuting pagpili para sa kanilang sarili.
“‘Di namin gustong gumawa ng isang produkto dahil lamang uso ang wellness. Gusto naming lumikha ng isang bagay na kami mismo ay gustong inumin at isama sa aming pang-araw-araw na routine,” ani Vargas.
Para naman kay Marfori, nagsisilbing bagong kabanata ang negosyo bukod sa kanyang trabaho sa newsroom at television studio.
“Sanay akong magkuwento ng kuwento ng ibang tao, pero ngayon, kaming apat naman ang bumubuo ng sarili naming kuwento,” ani Marfori.
Aniya, nais nilang ipakita na ang pag-aalaga sa sarili ay hindi kailangang maging mahirap o dagdag na gawain sa isang abalang buhay.
Opisyal na inilunsad ang GUTTA GLOW noong Setyembre 16 sa Palm Grove & Garden, The Rockwell Club, sa pamamagitan ng coffee-rave-inspired celebration na dinaluhan ng media, content creators, partners, friends at guests.





Comments